Monterrey Institute of Technology and Higher Education
Ang Instituto Tecnológico y de Estudios Superiores de Monterrey (ITESM) (sa Ingles: Monterrey Institute of Technology and Higher Education), na kilala rin bilang Tecnológico de Monterrey o Tec, ay isang pribadong, di-sektaryan at koedukasyonal na pamantasang multi-kampus na nakabase sa Monterrey, Mehiko. Itinatag noong 1943 ng mga industriyalista sa lungsod ng Monterrey, ang ITESM ay lumago sa 31 kampus sa 25 lungsod sa buong bansa,[1] kaya't naging ang pinakakinikilala [2] sa Amerikang Latino. [3][4][5][6][7][8][9]
Ang ITESM ay ang unang unibersidad na naging konektado sa Internet sa Amerikang Latino[10] at sa mundo ng mga nagsasalita ng Espanyol.[11][nb 1] Ito rin ang may paaralan ng negosyo na may pinakamataas na ranggo sa rehiyon ayon sa Economist[12] at isa sa mga lider sa aplikasyon ng patente (patent) sa hanay ng mga pamantasang Mehikano.[13] Ang paaralang medikal ng unibersidad ay nag-aalok ng nag-iisang programang MD-PhD sa bansa, sa pakikipagsosyo sa Houston Methodist Hospital.[14]
Mga tala
↑The first connection from Spain was completed in mid-1990 (see Sanz) while the Institute was connected in February 1989 (see Islas).
Mga sanggunian
↑"Edukasyon" (sa Espanyol). Tecnológico de Monterrey. Hinango noong Febrero 17, 2022.
↑"2009 Mexican Institute of Industrial Property Annual Report"(PDF) (sa wikang Kastila). Instituto Mexicano de la Propiedad Industrial. Inarkibo mula sa orihinal(PDF) noong 2015-02-12. Nakuha noong 2015-02-11. Las universidades que presentaron más solicitudes de patente en nuestro país fueron: el Instituto Tecnológico y de Estudios Superiores de Monterrey (ITESM) con 37, la Universidad Nacional Autónoma de México (UNAM) con 21 y la Universidad de Guanajuato (UG) con 10.{{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)