Ang Montaldo Bormida ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Alessandria, rehiyon ng Piamonte, hilagang Italya, na matatagpuan mga 80 kilometro (50 mi) timog-silangan ng Turin at mga 25 kilometro (16 mi) timog ng Alessandria.
Bilang bahagi ng Markesado ng Montferrato, ang Montaldo Bormida ay nagkaroon ng sunud-sunod na mga piyudal na panginoon: ang pamilyang Della Valle ng Trisobbio, ang mga Ferrari ng Orsara, ang mga pamilyang Centurione, Spinola, at Pallavicino.[3]
↑Carlo Prosperi, "I della Valle di Trisobbio: breve storia di una casa e di una casata altomonferrina" in Urbs silva et flumen, Accademia Urbense di Ovada pp. 26-42, 1(2006).