Aquino, Borgo Fraccia, Borgo Schirò, Cicio di Monreale, Giacalone, Grisì, Monte Caputo, Pietra, Pioppo, Poggio San Francesco, San Martino delle Scale, Sirignano, Sparacia, Tagliavia, Villaciambra
Ang Monreale (/ˌmɒnriˈæl/; bigkas sa Italyano: [monreˈaːle]; Siciliano: Murriali[3]) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Palermo, rehiyon ng Sicilia, KatimugangItalya. Matatagpuan ito sa dalisdis ng Monte Caputo, kung saan matatanaw ang napakayabong na lambak na tinatawag na "La Conca d'oro" (ang Ginintuang Kabibe), isang lugar ng produksyon ng mga puno ng narangha, oliba, at almendras, na ang ani ay iniluluwas sa maraming dami.[4] Ang bayan, na may populasyon na humigit-kumulang 39,000, ay humigit-kumulang 7 kilometro (4 mi) sa loob ng bansa (timog) ng Palermo, ang kabesera ng rehiyon.
Matapos ang pananakop ng mga Arabe sa Palermo (ang Emirato ng Sicilia), napilitan ang Obispo ng Palermo na ilipat ang kaniyang luklukan sa labas ng kabesera. Ang papel ng isang katedral ay itinalaga sa isang maliit na simbahan, Aghia Kiriaki, sa isang kalapit na nayon na kalaunan ay kilala bilang Monreale. Matapos ang pananakop ng mga Normando noong 1072, binawi ng mga Kristiyano ang dating katedral ng Palermo. Malamang na ang papel ng nayon bilang pansamantalang sentrong simbahan ay may bahagi sa desisyon ni Haring Guillermo II na magtayo ng isang katedral dito.[5]
↑"Monreale" is a contraction of monte-reale, "royal mountain", so-called from a palace built here by Roger I of Sicily
↑Isa o mahigit pa sa nauunang mga pangungusap ay nagsasama ng teksto mula sa isang lathalatin na nasa dominyong publiko na ngayon: Chisholm, Hugh, pat. (1911). "Monreale". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. 18 (ika-11 (na) edisyon). Cambridge University Press. p. 736.
↑Rodo Santoro: Palermo Cathedral,' Palermo: 1999, p. 7