Ang MoneyGram International Inc. ay isang kumpanya ng money transfer na nakabase sa Estados Unidos na mayroong headquarters sa Dallas, Texas.[1] Mayroon itong operation center sa St. Louis Park, Minnesota at mga rehiyonal at lokal na tanggapan sa buong mundo. Ang MoneyGram ay isang pampublikong kumpanya at nakalista sa ilalim ng ticker symbol na MGI.[2] Nahahati sa dalawang kategorya ang mga negosyo ng MoneyGram: Mga Pandaigdigang Pagpapadala ng Pera at Mga Produktong Dokumento sa Pananalapi.[3] Nakikipagtulungan ang kumpanya sa mga indibidwal at negosyo sa pamamagitan ng isang network ng mga ahente at mga customer ng institusyon sa pananalapi.
Ang MoneyGram ay ang pangalawang pinakamalaking provider ng mga money transfer sa mundo.[4][5][6] Tumatakbo ang kumpanya sa mahigit 200 bansa na mayroong pandaigdigang network ng humigit-kumulang na 347,000 ahenteng tanggapan.[3]
Kasaysayan
Ang MoneyGram International ay resulta ng pagsasama ng dalawang negosyo, ang Travelers Express na nakabase sa Minneapolis at ang Integrated Payment Systems Inc. na nakabase sa Denver. Unang itinatag ang MoneyGram bilang isang subsidiary ng Integrated Payment Systems at pagkatapos ay naging hiwalay na kumpanya bago ito nakuha ng Travelers noong 1998.[7][8] Noong 2004, ang Travelers Express ay naging ang kilala na ngayon bilang MoneyGram International.
Travelers Express (1940-1997)
Ang Travelers Express Co. Inc. na naka-base sa Minneapolis ay itinatag noong 1940.[4] Isang subsidiary ng Viad Corporation, ang Travelers Express ay naging pinakamalaking provider ng mga money order sa bansa bago ito mag-umpisa ng planong muling pagsasaayos ng kumpanya noong 1993.[9] Sa huling bahagi ng dekada '90, nakapaglingkod na ang MoneyGram Payment Systems sa mga customer sa mahigit 22,000 lokasyon sa 100 bansa.[10][11]
MoneyGram Payment Systems (1988-1997)
Itinayo ang MoneyGram noong 1988 bilang isang subsidiary ng Integrated Payment Systems Inc.[10][12][13] Ang Integrated Payment Systems ay isang subsidiary ng First Data Corporation, na sa sarili nito ay subsidiary ng American Express.[7] Noong 1992, nakuha ang First Data mula sa American Express at ibinenta sa publiko ang mga share nito sa New York Stock Exchange.[7][11] Paglaon, nagsama ang First Data Corporation at First Financial, ang mga may-ari ng kakumpintensya na Western Union.[7] Upang maaprubahan ang pagsasama, iniutos ng Federal Trade Commission sa First Data na ipagbenta ang Integrated Payment Systems.[12]
Noong 1996, ang Integrated Payment Systems, na nagsisilbing pangalawang pinakamalaking negosyo ng money transfer para sa consumer na hindi bangko sa bansa, ay naging sarili nitong kumpanyang nagbebenta ng mga share sa publiko at pinangalanan itong MoneyGram Payment Systems Inc.[11][12] Noong 1997, si James F. Calvano, ang dating pangulo ng Western Union, ay naging CEO ng MoneyGram Payment Systems.[10]
Itinatag ang MoneyGram International Ltd. noong 1997 ng MoneyGram Payment Systems Inc. isang taon pagkatapos ng paglilingkod sa publiko ng kumpanya.[10] Sa panahon kung kailan itinatag ang MoneyGram International, naging pagmamay-ari ng MoneyGram Payment Systems ang 51 porsiyento ng kumpanya, habang ang natitirang 49 na porsiyento ay pagmamay-ari ng Thomas Cook Group.[14][15]
MoneyGram International (1998-kasalukuyan)
Noong Abril 1998, nakuha ng Viad ang MoneyGram Payment Systems Inc.[8][16] sa halagang $287 milyon.[11] Pagkatapos nito ay napasama ang MoneyGram sa Travelers Express sa Minneapolis[11] na pagmamay-ari ng Viad.
Noong 2003, nakuha ng Travelers Express ang ganap na pagmamay-ari sa network ng MoneyGram, kasama ang MoneyGram International.[10] Sa huling bahagi ng taong iyon, ginawang isang hiwalay na kumpanya ng Viad ang Travelers Express.[17] Noong Enero 2004, ginawang MoneyGram International Inc. ng pangalan ng Travelers Express.[17][18] Noong Hunyo 2004, ipinagbili ng Viad ang MoneyGram at naging kumpanya na ibinenta sa publiko at isang indibidwal na entity.
Pagdating ng 2006, internasyonal na lumawak ang MoneyGram International na nakapagsama nang mahigit 96,000 ahente sa mga rehiyon gaya ng Asian-Pacific, Eastern Europe at Central America.[10] Nagpakilala rin ang kumpanya ng mga karagdagang serbisyo gaya ng pagbabayad ng bill at mga online na money transfer.
Sa panahon ng krisis sa pananalapi, bumaba ang mga share ng MoneyGram nang 96 na porsiyento mula 2007 hanggang 2009.[19] Nawalan ito nang mahigit $1.6 na bilyon mula sa mga pamumuhunan sa mga security na sinusuportahan ng mga walang kasiguraduhang pagsasangla noong 2008, at nauwi ang mga pagkawalang ito sa pagbebenta ng malaking bahagi sa Thomas H. Lee Partners at Goldman Sachs bilang kapalit ng paglalaan ng mga ito ng pera.[20] Sa panahon ng pagkalugi, inilipat ng U.S. Bancorp ang mga serbisyo nito sa money transfer sa Western Union.[21] Nagsimulang muling kumita ang kumpanya noong 2009.[21]
Sa kabila ng nangyari sa MoneyGram, naging executive chairman ng kumpanya si Pamela Patsley noong Enero 2009 at paglaon ay kinilalang CEO pagdating ng Septyembre ng taong iyon.[22][23] Noong Nobyembre 2010, opisyal na inilipat ng MoneyGram ang pandaigdigang headquarters nito sa lungsod ng Dallas, Texas.[19][23] Patuloy na pinapanatili ng kumpanya ang mga center sa pandaigdigang operasyon at information technology sa Minneapolis, Minnesota.[19]
Mga Produkto
Mga Pandaigdigang Pagpapadala ng Pera
MoneyGram Money Transfer
MoneyGram Bill Payments Services – nagbibigay-daan sa mga consumer na mabilis na magbayad o magbayad ng mga pangkaraniwang bill sa ilang partikular na creditor.
Mga Produktong Dokumento sa Pananalapi
Mga Money Order – Ang MoneyGram ay ang pangalawang pinakamalaking supplier ng money order.[5][6][24]
Mga Opisyal na Tseke – Nag-aalok ang MoneyGram ng pag-a-outsource ng mga serbisyo sa opisyal na tseke na galing sa mga institusyon sa pananalapi sa Estados Unidos. Ginagamit ng mga consumer ang mga Opisyal na Tseke kapag nangailang ang tatanggap ng bayad ng isang tseke na mula sa bangko at ng mga institusyon sa pananalapi upang mabayaran ang kanilang mga sariling obligasyon.
Pagkakawanggawa
Inilunsad ng MoneyGram ang MoneyGram Foundation noong 2013, na nakatuon sa internasyonal na pagbibigay ng tulong upang suportahan ang edukasyon.[25] Nagbigay ang MoneyGram Foundation ng tulong sa 19 na bansa sa unang taon ng operasyon nito.[25] Nagmumula ang malaking bahagi ng pondo ng Foundation sa MoneyGram International, at dinaragdagan nito ang dating Global Giving Program ng MoneyGram.[26]
Sa pamamagitan ng MoneyGram, nagbigay ang Global Giving ng donasyon na $100,000 sa World Vision International para sa edukasyon at mga gamit sa paaralan, at isa pang donasyon na $30,000 para sa programa na Girls Exploring Math and Science sa Dallas.[27]
Nakilahok ang MoneyGram sa relief aid kasunod ng Lindol sa Haiti noong 2010 sa pamamagitan ng pagbabawas sa kanilang mga bayarin patungo sa $1 na lang para sa anumang transaksyon patungo sa Haiti kasabay ng $10,000 tulong sa Pan American Development Foundation at American Red Cross.[28][29] Noong 2012, nagpaabot ng tulong ang MoneyGram sa mga pagbibigay ng relief sa Hurricane Sandy sa pamamagitan ng pagbibigay ng $1 sa bawat transaksyon hanggang sa $200,000 sa American Red Cross.[30]
Nagpaabot din ng tulong ang foundation sa iba pang mga pagbibigay ng relief kasunod ng mga kaganapang gaya ng Typhoon Haiyan sa Pilipinas.[31] Nakilahok din ang kumpanya sa pagsisimula na One Laptop per Child[32] at Habitat for Humanity sa pamamagitan ng MoneyGram Foundation.[33]
↑ 10.010.110.210.310.410.5Greenland, Paul R. (2008). Tina Grant (pat.). "MoneyGram International, Inc". International Directory of Company Histories. Bol. 94. Detroit: St. James Press. pp. 315–318.