Ang Mondragone (Campaniano : Mundraón) ay isang komuna o munisipalidad sa Lalawigan ng Caserta sa Italyanong rehiyon ng Campania. Matatagpuan ito humigit-kumulang na 45 kilometro (28 mi) hilagang-kanluran ng Napoles at mga 40 kilometro (25 mi) kanluran ng Caserta.
Kasaysayan
Ang unang makasaysayang populasyon ng lugar ay ang Aurunci. Noong 375, noong huling bahagi ng Imperyong Romano, isang nayon na kilala bilang Petrinum ang itinatag matapos mawasak ng isang lindol ang ang kalapit na bayan ng Sinuessa. Noong Gitnang Kapanahunan, sinakop ito ng mga Normando na nagtayo (o muling nagtayo) ng isang kastilyo dito.
Mga pangunahing pasyalan
- Mga guho ng Sinuessa
- Torre del Paladino, isang unang siglong BK mausoleo.
- Ang Rocca o kastilyo, na itinayo sa pagitan ng ika-8 at ika-9 na siglo. Kalaunan ay binago ito ng mga Aragonese
- Monasteryo ng Sant'Anna al Monte
- Santuwaryo ng Belvedere (bandang ika-13 siglo)
Mga sanggunian
Mga panlabas na link