Si Mobutu Sese Seko Kuku Ngbendu wa Za Banga (ipinanganak na Joseph-Desiré Mobutu; 14 Oktubre 1930 – 7 Setyembre 1997) ay ang Pangulo ng Demokratikong Republika ng Congo (na pinangalanang Zaire ni Mobuto noong 1971) mula 1965 hanggang 1997.
Naluklok sa puwesto at sinuportahan lalo na ng Belgium at Estados Unidos.[1] Nagtatag si Mobuto ng rehimeng awtoritaryo, nagkamál ng limpak-limpak na yaman, at nagbalak waksiin ang lahat ng impluwensiyang kolonyal habang tinatamasà ang suporta ng Estados Unidos dahil sa kaniyang pagiging kontra-komunismo.
Sanggunian