Mobile Suit Gundam SEED Destiny

Mobile Suit Gundam SEED Destiny
Kidō Senshi Gandamu Shīdo Desutinī
Pamagat ng serye
機動戦士ガンダムSEED DESTINY
DyanraDrama, mecha, military, romance
Teleseryeng anime
DirektorMitsuo Fukuda
EstudyoSunrise
Inere saMainichi Broadcasting System, Tokyo Broadcasting System, Hero TV (1 Disyembre 2006), ABS-CBN(17 Pebrero 2007), Studio 23(21 Enero 2008)
Manga
Mobile Suit Gundam SEED Destiny: The Edge
KuwentoChimaki Kuori
NaglathalaKadokawa Shoten
DemograpikoShōnen
Takbo25 Pebrero 200529 Oktubre 2006
Bolyum5
 Portada ng Anime at Manga

Ang Mobile Suit Gundam SEED Destiny ay ikalawang anime na sa Kosmikong Panahon ng Gundam ang tagpuan na naganap dalawang taon pagkatapos ng orihinal na Mobile Suit Gundam SEED. Ipinapakita ng Gundam SEED Destiny ang mga bagong tauhan at ilang mga tauhan na bumalik, ang mga namamayaning tauhan ay sina Cagalli Yula Athha, Athrun Zala, Kira Yamato at Lacus Clyne.

Buod ng kuwento

Noong Kosmikong Pahahon 73 (Cosmic Era 73), nagkaraoong na ng kapayapaan sa pagitan ng Naturals at Coordinators, ngunit pagkatapos ng isa at kalahating taon, nagkagulo muli sila. Si Athrun Zala ay nagpanggap bilang si Alex Dino at kasama niya pa rin si Cagalli Yula Athha para muling magroon ng katahimikan sa mundo. Sa panahon ding ito unang lumabas ang Minerva, ang bagong assault ship ng ZAFT. Ang barkong ito ang naging katapat ng Archangel. Sa seryeng ito ipinakita ang maraming mga kasawian ng mga karakter dahil sa nagdaang digmaan. Si Shin Azuka, halimbawa, ay nawalan ng pamilya dahil raw sa kapabayaan ng mga pinuno ng Orb.

Pagsasaere sa Pilipinas

Unang nasilayan ito ng mga manonood ng Pilipinas ang serye sa pamamagitan ng Cartoon Network Philippines noong 1 Hunyo 2006. Makalipas ang ilang buwan ng spekulasyon kung kailan nga ba eere ang isina-Pilipinong bersyon ng serye. Sinimulan na ng Hero TV at ng ABS-CBN ang paglalapat ng tinig sa Gundam SEED Destiny.

Kumpara sa nauna. maraming boses ang nagbalik para gumanap ulit ng kani-kanilang mga role. Tulad nina Michael Punzalan bilang si Kira Yamato, Louie Paraboles bilang si Athrun Zala, Wendy Villacorta bilang si Lacus Clyne, Alexx Agcaoili bilang Mwu La Flaga at Daisy May Carino bilang Murrue Ramius

Marami rin mula sa naunang cast ang nagbalik, tulad ni Katherine Masilungan na gumanap na Capt. Talia Gladys at Lunamaria Hawke.

Ngunit tulad ng inaasahan, nagkaroon ng malaking pagbabago kaysa sa naunang serye nang ipalabas ito. Una ay ang pagbabago ng Direktor ng Dubbing nito na si Gari Ryan Ang, Pangalawa ay ang pagpili sa mga bagong cast na tulad nina Robert Brillantes bilang Gilbert Durandal at Benjie Dorango bilang Shinn Asuka. Gayundin naman ang pagpalit sa boses nina Cagalli Yula Attha at Yzak Joule, na parehong binosesan sa naunang serye nina Maripette Narvasa at Jefferson Utanes. Ngayon ay ginampanan na sila nina Ria Paz Bautista at Pocholo Gonzales

Unang ipinalabas ang serye sa Satellite Channel ng ABS-CBN, ang Hero TV noong 1 Disyembre 2006 sa ganap na ika-8:30 ng umaga oras ng Pilipinas. Kasalukuyan pa rin itong umeere sa Hero TV.

Samantala, sa 17 Pebrero 2007, matapos ang matagal na paghihintay, Maipapalabas na ang Gundam SEED Destiny sa ABS-CBN tuwing Sabado at Linggo kapalit ng D.I.C.E (ika-9:00 ng umaga sa Weekend Hero Zone).

21 Enero 2008, naipalabas na ang serye sa pamamagitan ng Studio 23 tuwing 7:30 ng gabi pagkatapos ng Rush TV. Dati ang Samurai X ang ipinapalabas sa oras na ito mula 7:30 hanggang 8:30 pero nang ipalabas ang Gundam Seed Destiny, 8:00 ng gabi na ipinapalabas ang Samurai X at tig-iisang kabanta na lang ipinapalabas imbes na dalawa sa isang gabi.

Mga nagboses sa wikang Hapon

Mga nagboses sa wikang Filipino

Awiting tema ng Gundam Seed Destiny (主題歌)

Pambungad na awit: (オープニングテーマ)

  • 『ignited-イグナイテッド-』 (PHASE-01 - PHASE-13:T.M.Revolution
  • 『PRIDE』 (PHASE-14 - PHASE-24 :HIGH and MIGHTY COLOR
  • 『Bokutachi no Yukue - 僕たちの行方』 (PHASE-25 - PHASE-37):Hitomi Takahashi (高橋瞳)
  • 『Wings of Words』 (PHASE-38 - PHASE-50:CHEMISTRY
  • 『vestige-ヴェスティージ-』 (FINAL PLUS):T.M.Revolution

Pangwakas na awit (エンディングテーマ)

  • 『Reason』 (PHASE-01 - PHASE-13):Nami Tamaki(玉置成実)
  • 『Life Goes On』 (PHASE-14 - PHASE-25):Mika Arisaka (有坂美香)
  • 『I Wanna Go To Place...』 (PHASE-26 - PHASE-37):Rie fu
  • 『Kimi wa Boku ni Niteiru - 君は僕に似ている』 (PHASE-38~FINAL PLUS):See-Saw
Cosmic Era characters
Edit this template
Earth Alliance/Atlantic Federation/OMNI Enforcer:
Flay Allster - Shani Andras - Muruta Azrael - Natarle Badgiruel - Clotho Buer - Morgan Chevalier - Al Da Flaga - Edward Harrelson - Neo Roanoke - Stellar Loussier - Auel Neider - Sting Oakley - Orga Sabnak - Tolle Koenig - Canard Pars

PLANT/ZAFT:
Nicol Amarfi - Shinn Asuka - Rey Za Burrel - Meer Campbell - Siegel Clyne - Rau Le Creuset - Gilbert Durandal - Talia Gladys - Dearka Elsman - Lunamaria Hawke - Meyrin Hawke - Courtney Heironimus - Yzak Joule - Heine Westenfluss - Patrick Zala

ORB Union/Three Ship Alliance/Terminal:
Cagalli Yula Athha - Jean Carry - Lacus Clyne - Dearka Elsman - Yzak Joule - Mu La Flaga/Neo Roanoke - Meyrin Hawke - Miriallia Haw - Murrue Ramius - Rondo Ghina Sahaku - Rondo Mina Sahaku - Andrew Waltfeld - Kira Yamato - Athrun Zala

Miscellaneous:
Lowe Guele - Prayer Reverie - ORB Military Ranks