Paminsan-minsan, ginagamit ang Pino-Ugriko bilang singkahulugan ng Uraliko, ngunit malaganap na nauunawaan na hindi isinasama ang mga wikang Samoyedo sa Pino-Ugriko.[2] Maaaring tratuhin ang dalawang salita bilang magkasingkahulugan ng mga iskolar kung hindi nila tinatanggap ang tradisyonal na pagkaunawa na naghiwalay muna ang Samoyedo mula pamilyang Uraliko.
Sa kapaligiran ng Ilog Volga, kanluran ng mga Ural, malapit sa Urheimat ng mga wikang Indo-Europeo, o sa may silangan at timog-silangan ng mga Ural. Ayon kay Gyula László, isang mananalaysay, nagmula ito sa kagubatan sa gitna ng Ilog Oka at gitnang Polonya. Ayon naman kina E. N. Setälä at M. Zsirai, ito ay nasa gitna ng Ilog Volga at Ilog Kama. Ayon kay E. Itkonen, umabot hanggang sa Dagat Baltiko ang lugar ng mga ninuno. Nakikilala ni Jaakko Häkkinen ang Proto-Uraliko sa pamamagitan ng Eneolitikong kultura ng Garino-Bor (Turbin) noong 3,000-2,500 YBP sa may Basin ng Mababang Kama.[3]
Iminumungkahi ni P. Hajdu na ang lupang tinubuan ay nasa may kanlurang at hilagang-kanlurang Siberia.[4]
Ang likas na palatandaang henetiko ng mga taong nagsasalita ng mga wikang Uraliko ay haplogrupong N1c-Tat (Y-DNA). Nakahihigit ang N1b-P43 kaysa sa N1c sa mga taong Samoyedo.[6] Nagmula ang haplogrupong N sa hilagang bahagi ng Tsina noong 20,000–25,000 years BP[7] at kumalat sa hilagang Eurasia, mula Siberia patungo sa Hilagang Europa. Madalas nakikita ang subgrupong N1c1 sa mga taong di-Samoyedo, N1c2 naman sa mga taong Samoyedo. Bilang karagdagan, ang haplogrupong Z (mtDNA), na natatagpuan na may mababang dalas sa mga Saami, Pinlandes, at Siberyano, ay may kaugnayan sa pandarayuhan ng mga taong nagsasalita ng mga wikang Uraliko.
Noong 2019, nasumpungan ng isang pagsusuri batay sa henetika, arkeolohiya, at lingguwistika na dumating ang mga nagsasalita ng Uraliko sa rehiyong Baltiko mula sa Silangan, lalo na mula sa Siberia, sa simula ng Panahon ng Bakal noong mga 2,500 taong nakalipas.[8]
Mga unang patotoo
Ang unang mapapaniwalang pagbanggit ng mga taong nagsasalita ng isang wikang Uraliko ay nasa Germania ni Tasito (s. 98 PK),[9] na nagbanggit sa mga Fenni (karaniwang binibigyang-kahulugan bilang tumutukoy sa mga Sami) at dalawa pang posible na tribong Uraliko na nakatira sa mga pinakamalayong bahagi ng Eskandinabiya. Marami pang mga posibleng naunang pagbanggit, kabilang dito ang Iyrcae (posibleng may kaugnayan sa Yugra) na inilarawan ni Herodoto na nakatira sa kung ano ngayon ang Europeong Rusya, at mga Budini, na inilarawan ni Herotodo bilang mga may mapulang-buhok (isang pagkakakilanlang katangian ng mga Udmurt) na nakatira sa hilagang Ukranya at/o mga katabing bahagi ng Rusya. Sa hulihan ng ika-15 dantaon, ibinigay-pansin ng mga Europeong iskolar ang pagkakahawig ng mga pangalang Hungaria at Yugria, ang mga pangalan ng mga pamayanan pasilangan ng Ural. Ipinalagay nila na may koneksyon ngunit hindi sila naghanap ng ebidensya sa lingguwistika.[10]
Mga sanggunian
↑Simons, Gary F.; Fenning, Charles F. "Uralic" [Uraliko]. Ethnologue (sa wikang Ingles). SIL International. Nakuha noong Pebrero 14, 2018.
↑Tommola, Hannu (2010). "Finnish among the Finno-Ugrian languages" [Pinlandes sa mga wikang Pino-Ugriko]. Mood in the Languages of Europe [Panagano sa mga Wika ng Europa] (sa wikang Ingles). John Benjamins Publishing Company. p. 155. ISBN978-90-272-0587-2. Finnish among the Finno-Ugrian languages
↑The Cambridge History of Early Inner Asia, p. 231.
↑Janhunen, Juha (2009). "Proto-Uralic—what, where and when?"(PDF). Sa Jussi Ylikoski (pat.). The Quasquicentennial of the Finno-Ugrian Society [Ang Kuwaskisentenaryo ng Lipunang Pino-Ugriko]. Suomalais-Ugrilaisen Seuran Toimituksia 258 (sa wikang Ingles). Helsinki: Société Finno-Ougrienne. ISBN978-952-5667-11-0. ISSN0355-0230.