Mga pangalan ng Olanda

Tulad ng Alemanya, may sari-saring mga pangalan ng Olanda sa iba't ibang wika na sanhi ng kasaysayan nito at kinalalagyan ng Olanda o ng Kaharian ng Netherlands sa hilagang Europa.

  • Ang Olanda (Holland) at Olandes, mula sa dating Kaharian ng Olanda,[1] ay sa katunayan isa na lamang rehiyon sa kanluraning bahagi ng bansa ngunit nakasanayan na ng ilang mga wika (tulad ng wikang Pilipino) na itukoy sa buong bansa/kaharian.
  • Netherlands. Ang katagang Netherlands na nagkukusa ay isang kasaping-bansa ng Kaharian ng Netherlands, na kasama rin ang Aruba, Curaçao at Sint Maarten
  • Ang Ingles na katagang Low Countries (Olandes: De Lage Landen, "mabababang bayan") ay tumutukoy sa mga (mabababang) lupain sa mga bibig ng mga ilog Rin, Escalda at Mosa, at sumsaklaw sa mga bansang Belhika, Olanda at Luksemburgo, pati na rin sa ilang bahagi ng hilagang Pransiya at kanlurang Alemanya. Gayumpaman, ang ilan sa mga wikang Europeo ay gumagamit sa literal na pagsasalin mula sa katagang ito, tulad ng Kastila (Países Bajos[2]) at Pranses (Pays-Bas) sa pagtukoy sa bansa/kaharian ng Olanda.
  • Ang pang-uring Dutch (Ingles ng "Olandes"), sa pananaw ng mga Ingles, ay noong una tumutukoy sa lahat ng mga taong naghe-Hermaniko sa mainland ng Europa (halimbawa, mga Olandes at mga Aleman). Sa pagdaan ng panahon, nag-iba ng kaunti ang kahulugan nito; tinutukoy na lang nito ang mga Hermaniko na siyang mas madalas nilang nakakasalamuha, hindi lang dahil sa kalapitan ng mga ito sa kanila, kundi pati na rin sa tunggalian[3] sa kalakalan at pananakop sa mga bagong teritoryo: ang mga mamamayang Olandes. Sa wikang Olandes, tinatawag ng mga Olandes ang kanilang sarili bilang Nederlanders[4] (tignan ang mga naunang pangalan). Ang katagang Pennsylvania Dutch sa Estados Unidos ay sa katunayan walang kinalaman[5] sa Olanda o sa mga Olandes; ito ay tumutukoy sa mga mamamayan na ang mga ninuno at pananalita ay Aleman, mula sa Renania at Swisa. Gayundin, ang tawag ng mga Olandes sa mga Aleman ay Duitsers; ang tawag ng mga Aleman sa mga Olandes ay Niederländer.

Mayroon pang ibang naging pangalan ang bansang Olanda, gaya ng Batavia,[6] ngunit hindi na ito ginagamit sa kasalukuyang panahon.

Tignan din

Mga sanggunian

  1. http://www.etymonline.com/index.php?search=Holland&searchmode=none
  2. http://buscon.rae.es/dpdI/SrvltConsulta?lema=Países%20Bajos
  3. http://www.etymonline.com/index.php?search=Dutch&searchmode=none
  4. See J. Verdam, Middelnederlandsch handwoordenboek (The Hague 1932 (reprinted 1994)): "Nederlant, znw. o. I Laag of aan zee gelegen land. 2 het land aan den Nederrijn; Nedersaksen, -duitschland."
  5. De Grauwe, Luc. Emerging mother-tongues awareness in Dutch and German. In Linn & McLelland (eds). Standardization: studies from the Germanic languages.
  6. Batavian_Republic (sa Ingles)



Olanda Ang lathalaing ito na tungkol sa Netherlands ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.