Ang mga katawang lusak ng Hilagaang Europa ang mga bangkay ng tao na natural na naging mummipado sa loob ng mga lusak na natagpuan sa iba't ibang mga bahagig ng kontinente. Ang gayong mga katawan na minsang tinatawag na mga taong lusak ay pareong laganap ng heograpiko at kronolohiko na pinetsahan sa pagitan ng 9000 BCE at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[1] Ang tanging nagkakaisang paktor ng mga katawang lusak ay ang mga ito ay natagpuan sa mga lusak at parsiyal na naingatan. Ang aktuwal na lebel ng preserbasyon ay malawak na iba iba mula sa perpektong naingatan hanggang sa mga naging kalansay.[2] Hindi tulad ng mga karamihan ng mga labi ng tao sa sinaunang panahon, ang mga katawang lusak ay nagpanatili ng kanilang balat at mga panloob na organo sanhi ng mga hindi karaniwang kondisyon sa mga nakapaligid na area. Ang mga kondisyong ito ay kinabibilangan ng mataas na asidikong tubig, mababang temperatura, at kawalan ng oksiheno na nagsama upang ipreserba ngunit masidhing gumawang tan ng kanilang balat.
Mga kilalalng katawang lusak
Ang daang daang mga katawang lusak ay nakuha at pinag-aralan.[3] Ang mga katawang ito ay karamihang natagpuan sa Hilagang Europeong mga bansa ng Denmark, Alemanya, Netherlands, United Kingdom at Irlanda.
Ang ilan sa mga kilalang katawang lusak dahil sa mataas na kalidad ng kanilang preserbasyon at substansiyal na pagsasaliksik ng mga arkeologo at porensikong siyentipiko:
↑Lange, Karen E. (2007). "Tales From the Bog". National Geographic (September 2007). Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-01. Nakuha noong 2013-01-16.