Mga batas mosyon ng mga planeta ni Kepler

Pigurang 1: Ilustrayon ng tatlong mga batas ni Kepler na may dalawang planetaryong orbito. (1) Ang mga orbito ay elipso sa mga pokal na punto(focal points) na ƒ1 at ƒ2 para sa unang planeta at ang ƒ1 at ƒ3 para sa ikalawang planeta. Ang araw ay inilagay sa isang pokal na puntong ƒ1. (2) Ang dalawang nalililimang(shaded) mga sektor na A1 at A2 ay mayroong parehong surpasyong area at ang panahon(time) para sa planetang 1 upang takpan ang segmentong A1 ay katumbas sa panahon upang takpan ang segmentong A2. (3) Ang kabuuang orbitong panahon para sa planetang 1 at planetang 2 ay may rasyong a13/2 : a23/2.

Sa astronomiya, ang mga batas mosyon ng mga planeta ni Kepler ng astronomong si Johannes Kepler ay naglalarawan sa mga mosyon(galaw) ng mga planeta sa pag-ikot sa araw.

Ang mga batas na ito ay:

  1. Ang orbito ng bawat planeta ay elipso(ellipse) sa araw sa isa sa dalawang posi(foci).
  2. Ang isang linyang nagdudugtong sa planeta at araw ay nag-aalis ng magkatumbas na area sa tuwing magkatumbas na interbal(agwat) ng panahon.
  3. Ang kwadrado ng mga periodong orbital(orbital period) ng isang planeta ay direktang proporsiyonal sa kubiko ng semi-mayor(semi-major) na aksis ng orbito nito.

Ang mga batas ni Kepler ay striktong balido lamang sa isang nag-iisang(na hindi apektado ng grabidad ng ibang mga planeta) obhektong sero ang masa(mass) na umiikot sa araw; isang pisikal na imposibilidad. Gayunpaman, ang mga batas ni Kepler ay bumubuo sa mga magagamit na pasimulang punto upang kwentahin ang mga orbito ng mga planeta na hindi lumilihis ng labis sa mga restriksiyong ito.

Pinagtibay ni Isaac Newton ang mga batas ni Kepler sa pamamagitan ng pagpapakita na ang mga ito ay natural na konsekwensiya(kahihinatnan) ng kanyang kabaligtarang kwadradong batas ng grabidad na may hangganang itinakda sa nakaraang paragapo sa itaas. Sa karagdagan, pinalawig ni Newton ang mga batas ni Kepler sa ilang mga mahahalagang paraan gaya ng pagpayag sa pagkwenta ng mga orbito sa ibang mga selestiyal na katawan(celestial bodies).