Sa kasaysayan, may mga sala-salabat na paniniwala at kasanayang panlipunan ang mga Ilokano.[5]
Umaabot ang pandarayo ng mga Ilokano sa halos lahat ng bahagi ng Pilipinas, gayon din sa mga lugar sa Kanluraning mundo, partikular sa Hawaii at California.[6] Nagkaroon ng pangingibang-bayan dahil sa pagkagipit sa kakapalan ng populasyon sa rehiyon na may limitadong potensyal sa agrikultura.[7] Isa ang Rehiyon ng Ilokos sa pinakamataong rehiyon sa Pilipinas. Hindi sapat ang produksyong pang-agrikultura upang mapunan ang mga pangangailangang lokal, kaya, sa kasaysayan, karamihan sa populasyon ay napunta sa merkado ng paggawa at kalakalang interrehiyonal. Nangunguna ang tabako bilang pananim napagkikitaan ng mga Ilokano. May mahabang tradisyon ang industriya ng tela sa lugar, habang pumapangalawa lamang ang pangingisda sa produksyong pang-agrikultura.[8][9]
Etimolohiya
Nagmula ang salitang Ilocano o Ilokano mula sa salitang Iloko/Iloco (o Yloco, ang lipas nang anyong Kastila), ang pagbabanghay ng i- (nangangahulagang 'ng') at look (parehong kahulugan sa Tagalog na look), na nangangahulgang 'mula sa look' sa Ilokano. Sa isang banda, sang-ayon sa ilang mga tala, hinango ang katawagan mula sa "l-"(mula sa) at "luku" o "lukung (isang lambak o depresyon ng lupa, alalaong baga'y "kapatagan"). Matatagpuan ito sa pagitan ng "gulod" (kabundukan) at "luek" (dagat o look). Tumutukoy ang Kastilang hulaping -ano sa "tayo", na nangangahulugang ang mga tao (tulad ng Amerikano, Italyano, Aprikano, Mehikano, atbp.). Tumutukoy ang katawagang "Ilocano" o "Ilokano" sa kalalakihan habang ang "Ilocana" o "Ilokana" naman sa mga kababaihan.
Demograpiya
Nasa 8,074,536 ang mga Ilokano sa Pilipinas noong 2010.[10] May iilang mga Ilokano na naninirahan sa Cordillera ang may ilang dugong Cordillerano.
↑"Ilocano Lowland Cultural Community". National Commission for Culture and the Arts (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 4, 2021. Nakuha noong Nobyembre 3, 2021.