Mekanismong Antikythera

The Antikythera mechanism (Fragment A – front)
The Antikythera mechanism (Fragment A – back)

Ang mekanismong Antikythera (play /ˌæntɪkɪˈθɪərə/ ANT-i-ki-THEER o /ˌæntɪˈkɪθərə/ ANT-i-KITH-ə-rə) ay isang sinaunang analogong kompyuter[1][2] na dinisenyo upang kwentahin ang mga posisyong astronomikal. Ito ay nakuha noong 1900-1901 sa pagkabagbag ng barko sa Antikythera. [3] Ang kahalagahan at kompleksidad nito ay hindi naunawaan hanggang pagkatapos ng isang siglo. Ang pagkakalikha nito ay itinataya noong maagang unang siglo BCE. Ang mga artipaktong teknolohikal na malapit sa kompleksidad at paggawa nito ay hindi muling lumitaw hanggang sa ika-14 siglo CE nang ang mga orasang astronomikal na mekanikal ay sinimulang itayo sa Kanluraning Europa.[4]

Mekanismo

Skematiko ng alam na mekanismo ng Antikythera

Ang mekanismo ay pinapatakbo sa pamamagitan ng pagpihit ng isang maliit na kamay na crank na inuugnay sa pamamagitan ng isang koronang enggranahe. Ito ay pumapayag sa pagtatakda ng petsa sa harapang dial. Ang aksiyon ng pagpihit ng kamay na crank ay magsasanhi rin ng lahat ng mga magkakaugnay na mga enggranahe sa loob ng mekanismo upang umikot na nagreresulta sa kalkulasyon ng posisyon ng araw at buwan at iba pang mga impormasyong astronomikal gaya ng mga yugto ng buwan, mga siklong eklipse at teoretikong mga lokasyon ng mga planeta. Ang enggranahe ay kahanga-hangga para sa lebel ng miniaturisasyon at kompleksidad ng mga bahagi nito na maihahambing sa mga orasang astronomikal na nilikha noong ika-14 siglo CE. Ito ay may mga 30 enggranahe bagaman iminungkahi ni Michael Wright na ang mga Griyego sa panahon ng pagkakalikha nito ay may kakayahan na magsagawa ng isang sistema ng may higit na maraming mga enggranahe. Iminungkahi nina Evans et al. na upang ipakita ang mga posisyong mean ng limang mga klasikong planeta ay nangangailangan lamang ng mga 17 karagdagang enggranahe na mapoposisyon sa harap ng malaking nagpapatakbong enggranahe at pinapakita gamit ang mga indibidwal na sirkular na pihitan sa mukha. [5] Ang mga ngipin ng enggranahe ay nasa anyo ng mga tatsulok na ekwilateral na may aberaheng sirkular na pitch ng 1.6 mm, isang aberaheng kapal ng gulong na 1.4 mm at isang aberaheng puwang ng hangin sa pagitan ng mga enggranahe ng 1.2 mm. Ang mga ito ay malamang na nilikha mula sa isang blangkong ikot na bronze gamit ang mga kasangkapang pangkamay. Ito ay ebidente dahil ang mga ito ay hindi lahat nahahati ng napakapantay. Dahil sa pagsulong ng pag-iimahe at teknolohiyang x-ray, posible na ngayon na malaman ang tumpak na bilang ng mga ngipin at sukat ng mga enggranahe sa loob ng mga nahanap na pragmento at kaya ang mga basikong operasyon ng kasangkapan ay hindi na misteryo at tumpak na nagaya. Ang pangunahing hindi alam sa kasangkapang ito ang mga indikador ng mga planeta.[6]

Diagrama ng kadenang enggranahe para sa mga alam na elemento ng mekanismong Antikythera. Ang mga hipotetikal na enggranahe ay nasa italiko.
Front panel of a 2007 reproduction.

Mga sanggunian

  1. "The Antikythera Mechanism Research Project Naka-arkibo 2011-02-21 sa Wayback Machine.", The Antikythera Mechanism Research Project. Retrieved 2007-07-01 Quote: "The Antikythera Mechanism is now understood to be dedicated to astronomical phenomena and operates as a complex mechanical 'computer' which tracks the cycles of the Solar System."
  2. Washington Post Quote: Imagine tossing a top-notch laptop into the sea, leaving scientists from a foreign culture to scratch their heads over its corroded remains centuries later. A Roman shipmaster inadvertently did something just like it 2,000 years ago off southern Greece, experts said late Thursday.
  3. pp. 5–8, Gears from the Greeks. The Antikythera Mechanism: A Calendar Computer from ca. 80 B. C., Derek de Solla Price, Transactions of the American Philosophical Society, new series, 64, No. 7 (1974), pp. 1–70.
  4. In search of lost time, Jo Marchant, Nature 444, #7119 (30 November 2006),pp. 534–538,doi:10.1038/444534a
  5. Solar Anomaly and Planetary Displays in the Antikythera Mechanism, Evans, James, Carman Christián C., and Thorndike Alan S. , Journal for the History of Astronomy, 02/2010, Volume 41, Issue 142, p.1-39, (2010)
  6. "Using Computation to Decode the First Known Computer". IEEE Computer Magazine. 2011–7. July 2011.