Tungkol sa pagsasanay kung saan gumagamit ang isang indibiduwal ng isang kaparaanan ang artikulo na ito. Para sa ibang gamit, tingnan ang Repleksyon.
Iba't ibang pagsasalarawan ng meditasyon (paikot sa kanan mula sa itaas na kaliwa):: ang Hindu na si Swami Vivekananda, ang mongheng Budista na si Hsuan Hua, ang Taoistang si Baduanjin Qigong, ang Kristiyanong si San Franciso, mga Muslim na Sufi sa Dhikr, at ang repormador ng lipunan na si Narayana Guru
Ang meditasyon ay isang pagsasanay na kung saan gumagamit ang isang indibiduwal ng isang kaparaanan – tulad ng pagbibigay ng pansin sa kasalukuyang sandali (o yaong tinatawag na mindfulness sa Ingles), o nakatuon ang isip sa partikular na bagay, ideya, o aktibidad – upang sanaying ang pagpansin at kamalayan, at matamo ang isang malinaw na pag-iisip at payapain at patatagin ang katayuan ng damdamin.[1][2][3][4][web 1][web 2]
Sinasanay ang meditasyon ng maraming tradisyong pang-relihiyon. Matatagpuan ang pinakamaagang mga tala ng meditasyon (dhyana) sa mga Upanishad, at gumanap ang meditasyon ng isang kapansin-pansin na gampanin sa mapagbulaybulay ng reportoryong Jainismo, Budismo at Hinduismo.[5] Simula noong ika-19 na dantaon, lumaganap ang mga kaparaanan ng meditasyong Asyano sa ibang mga kalinangan kung saan nakahanap din sila ng aplikasyon sa mga di-espirituwal na konteksto, tulad ng negosyo at kalusugan.