Matera

Matera
Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO

Ang Matera (Materano : Matàrë) ay isang lungsod sa rehiyon ng Basilicata, sa Timog Italya .

Bilang kabesera ng lalawigan ng Matera, ang orihinal na kabihasnan nito ay matatagpuan sa dalawang bangin na inukit ng Ilog Gravina. Ang lugar na ito, ang Sassi di Matera, ay isang complex ng mga tirahan sa kuweba na inukit sa sinaunang bangin ng ilog, na madalas na itinuturing bilang "isa sa mga pinakalumang patuloy na tinitirhan na mga lungsod sa mundo." Sa paglipas ng kasaysayan nito, ang Matera ay sinakop ng mga Griyego, Romano, Longobardo, Byzantino, Sarraceno, Swabiano, Angevino, Aragonese, at Bourbon.

Sa huling bahagi ng 1800, ang mga tirahan ng kuweba ng Matera ay naging kapansin-pansin dahil sa malubhang kahirapan, mahinang sanitasyon, malubhang kondisyon sa paggawa, at laganap na sakit. Hinukay noong 1952, lumipat ang populasyon sa mga modernong pabahay, at ang Sassi (Italyano para sa "mga bato") ay abandonado hanggang sa dekada '80. Ang nabagong pananaw at pamumuhunan ang nagbago sa mga tirahan sa yungib upang maging tanyag na destinasyong panturismo, na may mga otel, maliliit na museo, at restawan – at isang masiglang komunidad ng sining.

Kilala bilang la città sotterranea ("ang lungsod sa ilalim ng lupa"), ang Sassi at ang parke ng Rupestrianong mga simbahan ay itinalaga isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO noong 1993. Noong 2019, idineklara si Matera na isang Europeong Kabisera ng Kultura.

Galeriya

Mga sanggunian