María Luisa Bombal

Sa Espanyol na pangalan na ito, ang unang apelyidong gamit ay ang apelyido ng kanyang ama (Bombal) at ang pangalawang apelyidong gamit ay ang apelyido ng kanyang ina (Anthes).

Si María Luisa Bombal Anthes, isang Tsileyang makata.

Si Maria Luisa Bombal Anthes (1910-1980) ay isang nobelista, makata, at manunulat mula sa bansang Tsile.[1] Ang kanyang mga akda ay naglalaman ng mga temang erotiko, sureyalista, at peminista. Ilan sa mga karangalang kanyang natanggap ay ang Santiago Municipal Literature Award (1941)[2], ang Ricardo Latcham[3] Prize noong 1974 (binuo ng PEN Club Chile[4] noong 1969), ang Chilean Academy of Language Award[5] (1976), at ang Joaquín Edwards Bello[6] Prize noong 1978. Maraming intelektwal sa Tsile ang humihiling na pangaralan ng National Prize for Literature si Bombal[7], at maraming kritiko (nasyonal at internasyonal) ang kumikilala sa kanyang importansya, impluwensya, at kaugnayan sa pag-unlad ng panitikan sa Timog Amerika.[8]

Personal na Buhay

Talambuhay

Mga Unang Taon sa Tsile

Si Maria Luisa Bombal ay ipinanganak noong ika-8 ng Hunyo, 1910, sa Viña del Mar, malapit sa Valparaiso, sa bansang Tsile. Ang kanyang mga magulang ay sina Martín Bombal Videla and Blanca Anthes Precht. Si Bombal ay galing sa isang upper-middle class na pamilya at namuhay nang komportable noong siya ay bata pa.

Namatay ang kanyang ama nang siya ay labing dalawang taong gulang lamang, at nagpasya ang kanyang ina na dalhin si Bombal at ang kanyang mga kapatid sa Paris para manirahan doon kasama niya.

Pag-aaral sa Pranses

Unang Pagbabalik sa Tsile

Paninirahan sa Arhentina at Paunang Mga Akda

Pangalawang Pagbabalik sa Tsile

Paninirahan sa Estados Unidos

Huling Pagbabalik sa Tsile

Mga Huling Araw at Pagkamatay

Mga Impluwensya at Mga Akda

Kultural at Pambansang Pamana

Isang pampublikong monumento ang inilaan at ipinangalan kay Bombal sa Viña del Mar, Tsile, kung saan siya ipinanganak at gumgol ng kanyang mga huling araw. Ang marbol na eskultura na pinamagatang María Luisa Bombal ay gawa ni Francisco Javier Torres Rojas. Ito ay nasa Calle Villanelo, sa ika-180 ng María Luisa Bombal Square.

Ang eskulturang ito ay nakalista sa Pampublikong Monumentong seksyon ng opisyal na website ng Yunit Ng Pamana ng Municipal ng Viña del Mar, kung saan sinasabi na ito ray ay isang Gantimpala sa Pambansang Panitikan. Ngunit at parangal na ito ay hindi kailan man natanggap ni Bombal.(Cite)

Bagamat isang importanteng pigura at manunulat si Bombal sa Tsile, ang kanyang bahay kung saan siya nanirahan at isang patotoo ng kanyang buhay sa bansa, ay hindi protektado ng National Monuments Law dahil hindi ito pormal na naideklara bilang isang historikal na monumento. (Cite) Nagamit pa ito bilang isang hostel noong 2016. Ito ngayon ay pag aari ng Hotel Monterrey. (Cite)

Mga lugar sa Tsile na ipinangalan kay Bombal:
  • Ang La Villa María Luisa Bombal sa Lo Prado, isang distrikto sa Santiago.
  • Ang plaza sa Viña del Mar kung nasaan ang kanyang pampublikong monumento.
  • Ang Colegio María Luisa Bombal sa Lo Arcaya 1850, Vitacura, isang paaralan.
  • Ang Escuela N.º 418, María Luisa Bombal sa La Capilla, Cerro Navia, isang paaralan.
  • Ang Escuela Rural María Luisa Bombal sa Osorno, sa rehiyon ng Los Lagos, isang paaralang rural.
  • Ang Liceo María Luisa Bombal sa Valparaiso, isang hayskul.

Ilan sa kanyang mga litrato noong 1940s at ng mga panahon niya sa Estados Unidos ay nasa pangangalaga ngayon ng Photographic Archive Collection ng National Historical Museum of Chile. Ang Pambansang Aklatan ng Chile naman ang may hawak sa isang koleksyong ng iba't ibang bulletin (madalas galing sa ma magasin at dyaryo) patungkol kay Bombal, na nai-digitize sa Memoria Chilena.(Cite) Ang Pambansang Aklatan ay mayroon ding casette na naglalaman ng panayam ni Victoria Pueyrredon kay Bombal, na nai-digitize din sa Memoria Chilena.(Cite)

Mga Sanggunian

  1. González Echevarría, Roberto, pat. (1997). The Oxford book of Latin American short stories. New York: Oxford University Press. ISBN 978-0-19-509590-6.
  2. "Santiago Municipal Literature Award", Wikipedia (sa wikang Ingles), 2024-10-28, nakuha noong 2024-10-29
  3. "Ricardo A. Latcham", Wikipedia, la enciclopedia libre (sa wikang Kastila), 2024-09-27, nakuha noong 2024-10-29
  4. "PEN Chile". PEN International (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-29.
  5. "Academia Chilena de la Lengua", Wikipedia (sa wikang Ingles), 2024-02-28, nakuha noong 2024-10-29
  6. "Joaquín Edwards Bello", Wikipedia (sa wikang Ingles), 2024-08-15, nakuha noong 2024-10-29
  7. Culto (2019-05-06). ""Es una barbaridad que no le hayan concedido el Premio Nacional de Literatura": María Luisa Bombal revisitada hoy". La Tercera. Nakuha noong 2024-10-29.
  8. "María Luisa Bombal y el premio nacional de literatura [artículo] Julio Flores V." BND: Archivo de referencias críticas. Nakuha noong 2024-10-29.