Marimar

Marimar
Pabalat ng DVD ng palabas na pantelebisyong Marimar
UriTelenovela, Drama, Pag-iibigan
GumawaTelevisa
DirektorBeatriz Sheridan
Pinangungunahan ni/ninaThalía
Eduardo Capetillo
Kompositor ng temaPaco Navarette, Viviana Pimstein
Bansang pinagmulanMehiko
WikaKastila
Bilang ng kabanata72
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganapAngelli Nesma Medina
Oras ng pagpapalabas45 minuto
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanCanal de las Estrellas
Picture format480i SDTV
Orihinal na pagsasapahimpapawid1994 (1994)
Para sa seryeng pantelebisyon ng Pilipinas, tingnan ang MariMar

Ang Marimar ay isang Mehikanong telenobelang pantelebisyon na orihinal na ipinalabas noong 1994 ng Televisa. Ang Marimar ay isang remake ng telenobelang La Venganza, na ipinalabas sa Televisa noong 1977 at pinagbidahan nina Helena Rojo at Enrique Lizalde.

Ito ay masyadong kilala sa Latin Amerika, Brazil, Estado Unidos, kabilang ang mga manonood sa French Overseas Network sa mga departamento at teritoryo ng French overseas at mga mananalita ng Portuges (sa pamamagitan ng Brazil) sa Aprika at isa sa pinakapinanonood na telenobela sa Pilipinas at Indonesia. Ayon sa arawang dyaryong Ivoir 'Soir, "Sa tiyak na ika-7:30 ng gabi, ang Marimar ay nagsisimula at ang buhay ay tumitigil sa Côte d'Ivoire". Ang mang-aawit na si Thalía ang pinakamalaking bituin sa telenobelang ito.

Buod

Thalía bilang Marimar sa Mehikanong telenobela ng Televisa.

Si Marimar ay isang mahirap at inosenteng dalaga na nakatira sa may dalampasigan kasama ang kanyang lolo at lola. Siya ay umibig kay Sergio, anak ng isang mayaman. Si Sergio ay pumayag na pakasalan si Marimar kahit na hindi ito gusto ng kanyang ama at madrasta ngunit habang lumilipas ang panahon siya ay umibig ng matindi kay Marimar.

Ang madrasta ni Sergio na si Angelica ay hindi gusto si Marimar dahil sa pagiging inosente at walang alam sa mundo ng alta sociedad nito. Lagi pinapahiya ni Angelica si Marimar, madalas na minamaliit nito ang pagkatao nito. Nagalit si Sergio at nagpasiyang umalis at kumita ng sariling pera upang maialis si Marimar sa bahay ng kanyang ama at ligtas kay Angelica. Isinuplong sa pulis ni Angelica si Marimar dahil nagnakaw daw ito ng pulseras mula sa kanya at nakulong si Marimar. Habang si Marimar ay nasa kulungan, pinadala ni Angelica ang isa sa kanyang mga tauhan, na si Nicandro, na sunugin ang maliit na kubo ng lolo at lola ni Marimar, at dahil dito namatay ang lolo at lola ni Marimar. Pagkatapos, ginaya ni Angelica ang sulat-kamay ni Sergio at sumulat ng isang liham para kay Marimar na nagsasaad na wala na siyang gusto dito at hindi na siya mahal nito. At dahil sa mga pangyayaring iyon binago siya nito at naghasik ng paghihiganti balang araw.

Matapos lumaya, nagtungo si Marimar sa siyudad ng Mehiko mula sa kanyang pinagmulang San Martin de la Costa at siya ay nagtrabaho upang manumbalik ang buhay at habang ito ay nangyayari nakilala niya ang kanyang tunay na ama (si Gustavo Aldama), na hindi nito alam at siya rin ay hindi alam, at siya ay tinuruan kung paano maging isang babaing may dangal, magbasa, magsulat, magsalita ng maayos at manamit.

Pagkatapos ng malaking pagbabago ni Marimar at handa ng humarap sa lipunan, nagpasiya ang kanyang ama na dalhin siya sa Opera at doon nakita niyang muli si Sergio at dito nag-umpisa ang aksiyon. Dahil sa paghihiganti, inakit ni Marimar (ginamit niya ang bagong identity na "Bella Aldama" at tinatanggi niya kay Sergio at sa ibang mga tao na siya si Marimar) si Sergio at pagkatapos ito ay tatanggihan para saktan niya ito, at kasabay nito tinanggalan niya ng kayamanan ang ama at madrasta ni Sergio. Binili ni Marimar ang bahay ng mga Santibáñez at pinahiya niya si Angelica katulad ng pagpapahiya sa kanya dati. Diniborsyo ni Sergio si Marimar at naghandang pakasalan si Innocencia, nagplano si Marimar na paghiwalayin ang dalawa. May lihim parin ng pagmamahal si Sergio kay Marimar.

Si Angelica ay nakasama sa isang aksidente sa kotse, nasunog at namatay na may huling kahilingan kay Marimar na siya (si Marimar) ay masunog ng buhay sa kanyang bahay. Nalaman ni Innocencia na dinadalaw ni Sergio si Marimar at sinubukang pumasok sa bahay ni Marimar. Si Innocencia ay nagdadalang-tao (kay Sergio) at siya ay nahulog at dinala sa ospital na kung saan siya ay nanganak at nagkaroon ng tumor sa utak. Nagpasiya si Marimar na kalimutan na si Sergio sa pamamagitan ng pag-ibig muli sa ibang lalaki na isang inhinyero na nagngangalang Adrián Rosales. Pagkatapos noon, inoperahan si Innocencia sa kanyang utak at pagkatapos ay nagsisi siya sa lahat ng mali niyang nagawa at pinahintulutan niyang pakasalan ni Marimar si Sergio. Sa katapusan sila ay nagpakasal at namuhay ng masaya.

Mga Gumanap at Tauhan

  • Thalía bilang María del Mar "MariMar" Pérez/Bella Aldama
  • Eduardo Capetillo bilang Sergio Santibáñez
  • Miguel Palmer bilang Gustavo Aldama
  • Alfonso Iturralde bilang Renato Santibáñez
  • René Muñoz bilang Padre Porres
  • Marta Zamora bilang Perfecta
  • Chantal Andere bilang Angélica Santibañez
  • Ada Carrasco bilang Mamá Cruz
  • Pituka de Foronda bilangTia Esperanza
  • Luis Gatica bilang Chuy
  • Kenia Gazcon bilang Atonieta Lopez
  • Daniel Gauvry bilang Arturo
  • Toño Infante bilang Nicandro Mejia
  • Julia Marichal bilang Corazón
  • Frances Ondiviela bilang Brenda
  • Marisol Santacruz bilang Monica
  • Tito Guízar bilang Papá Pancho
  • Amairani bilang Natalia Montenegro
  • Rosángela Balbó bilang Eugenia
  • Karla Barahona
  • Meche Barba
  • Rafael Bazán
  • Ricardo Blume bilang Gobernador Fernando Montenegro
  • Marcelo Buquet bilang Rodolfo San Genís
  • Rubén Calderón
  • Armando Calvo bilang Gaspar
  • Julio Canessa bilang Himself
  • Gabriela Carvajal
  • Alberto Chávez
  • Adyari Cházaro
  • Hortensia Clavijo
  • Fernando Colunga bilang Adrián Rosales
  • Alicia del Lago
  • Rafael del Villar bilang Esteban
  • Martha Ofelia Galindo bilang Josefina
  • Guillermo García Cantú bilang Bernardo Duarte
  • Perla Jasso
  • Alejandra Ley
  • Melba Luna
  • Agustín Manzo bilang Himself
  • Constanza Mier bilang batang Marimar
  • Nicky Mondellini bilang Gema
  • Patricia Navidad bilang Isabel
  • Manuel Negrete bilang Himself
  • Claudia Ortega bilang Prudencia
  • Ana Luisa Peluffo bilang Selva
  • Serrana bilang Alina
  • Juan Carlos Serrán bilang Ulises
  • Ricardo Vera bilang Roberto
  • Indra Zuno bilang Inocencia del Castillo

Mga sanggunian