Ang Maria Mapag-ampon ng mga Kristiyano (Latin: Sancta Maria Auxilium Christianorum) ay isang debosyon kay Birhen Maria ng mga Katoliko Romano na may kapistahang ipinagdiriwang tuwing Mayo 24. Si San Juan Crisostomo ang unang gumamit ng titulong ito ni Maria noong taong 345 bilang debosyon sa Birhen Maria, at kasama ni San Juan Bosco na pinalaganap din ang debosyon kay Maria sa titulong ito.
Iniuugnay ang titulong Maria Mapag-ampon ng mga Kristiyano sa pagtatanggol ng Kristiyanong Europa (Latin at Griyego), hilaga ng Africa at ng Gitnang Silangan mula sa mga di-Kristiyano noong Gitnang Panahon. Noong 1572, ang Islamikong Imperyong Ottoman ay nagbalak na sugurin ang Kristiyanong Europa. Pinatawag ni Papa Pio V ng mga hukbong Kristiyano sa buong Europa upang ipagtanggol sa kontinente at hiningi ang mga mananampalataya na magdasal kay Maria "upang tulungan ang mga nagkukrusada". Ang pagsupil ng mga Turkong Muslim ay inugnay sa pamamagitan ni Maria sa ilalim ng naturang titulo.
Noong Mayo 24, 2009, sa kaniyang pahayag sa kaniyang Regina Caeli, nanalangin si Papa Benedicto XVI sa naturang titulo ni Maria, sa ilalim ng titulo ni Ina ng Sheshan, na nananawagan sa mga Katolikong Tsino upang manumbalik ang kanilang katapatan sa Santo Papa bilang tanging humalili kay San Pedro.