Manuel Hernandez Bernabe |
---|
|
Kapanganakan | 17 Pebrero 1890
|
---|
Kamatayan | 29 Nobyembre 1960 |
---|
Mamamayan | Pilipinas |
---|
Trabaho | politiko, manunulat, makatà |
---|
Opisina | miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas () |
---|
Si Manuel Hernandez Bernabe ay mamamahayag, politiko, makata at mambibigkas sa wikang Kastila at Latin. Isinilang siya noong 17 Pebrero 1890. Anak siya nina Timoteo Bernabe at Emilia Hernandez.
Sa Ateneo de Manila siya nagsimulang mag-aral at nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas. Siyam na taon lamang siya nang magsimula siyang magsulat ng mga berso sa wikang Kastila at sa gulang na labing-apat ay bumibigkas na sa wikang Latin.
Si Bernabe ay isang makatang liriko at ang karaniwang paksa ng kanyang mga tula ay mga pista at pagdiriwang bagamat kahit anong paksa ay kaya niyang tulain. Pambihira ang kanyang hilig sa pagtula.
Sa isang Balagtasan kung saan naglaban sina Bernabe at Balmori sa paksang El Recuerdo y el Olvido ay walang nahayag na nanalo sapagkat kapwa sila mahusay subalit sa tunog ng palakpakan pagkatapos ng Balagtasan, lumabas na si Bernabe ang nakaakit sa mga nakikinig.
Ang katipunan ng mga tulang nasulat ni Bernabe ay pinamagatang Cantos El Tropico (Mga Awit ng Tropico). Ang isa pang aklat ni Bernabe na naglalaman din ng kanyang mga sinulat ay ang Prefil de la Cresta. Dito nakasama ang salin niya ng Rubaiyat ni Omar Khayyam at prologo ni Claro M. Recto.
Guro din si Bernabe. Nagturo siya ng Kastila sa Unibersidad ng Pilipinas, Far Eastern University, Philippine Law School at Colegio de San Juan de Letran. Naging tagapag-ulat siya ng La Democracia at La Vanguardia.
Ang mahuhusay na tula ni Bernabe ay: No Mas Amor Que El Tuyo, El Imposible, Canta Poeta, Castidad, Mi Adios a Ilo-ilo at Espana en Filipinas.
Si Bernabe ang binigyan ng taguring Hari ng Balagtasan sa Wikang Kastila.
Bilang politiko, nahalal si Bernabe bilang kinatawan mula sa unang distrito ng Rizal noong 1928 at nanilbihan hanggang 1931.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.