Ang Manfredonia ([maɱfreˈdɔːnja]) ay isang bayan at komuna ng Apulia, Italya, sa lalawigan ng Foggia, kung saan mula ito ay 35 kilometro (22 mi) hilagang-silangan sa pamamagitan ng tren. Matatagpuan ang Manfredonia sa baybayin, nakaharap sa silangan, sa timog ng Monte Gargano, na nagbibigay-pangalan sa golpo sa silangan nito. Magmula noong 2017[update] ang populasyon nito ay 56,932.[3]
Mga pangunahing tanawin
Ang kastilyong medyebal, na sinimulan ng Hohenstaufen at nakumpleto ng Capetong Pamilya ng Anjou, at mga bahagi ng pader ng bayan ay napanatili nang maayos. Ang kastilyo ay dinagdagan ng isang bagong linya ng mga pader noong ika-15 siglo.
Sa simbahan ng San Domenico, ang Kapilya ng Maddalena ay naglalaman ng mga lumang pinta noong ika-14 na siglo.
Tatlong kilometro (3 kilometro (1.9 mi)) sa timog-kanluran matatagpuan ang dating Katedral ng Siponto, na ngayon ay Basilika ng Santa Maria Maggiore di Siponto, na itinayo noong 1117 sa estilong Romaniko, na may isang simboryo at cripta.