Mga makinang de-piston o makinang may piston ang unang mga makinang pinasisingawan. Itinutulak ng presyon ng mainit na hangin o singaw upang gumalaw ito sa kahabaan ng isang silinder kaya't nagkakaroon sila ng resiprokal – pabalik-balik – na mosyon. Tuwirang nakapagpapagalaw ito ng pambomba o ng isang krank upang mapaikot ang isang gulong na magpapaandar sa isang makinarya.
Dating ginagamit ang mga makinang pinasisingaw sa mga pabrika upang mapaandar ang mga makina, at maging sa mga minahan upang mapagalaw ang mga pambomba. Sa kalaunan, nilikha ang mas maliliit na mga makina o motor na makapagpapaandar ng mga lokomotibo ng riles at ng mga bangkang pinasisingawan.
Pagpapaandar
Sa loob ng isang boiler o pakuluan ginagawa ang mainit na singaw. Pinaiinitan ang tubig na nasa loob ng pakuluan upang makalikha ng singaw na mainit. Ginagamit ng lumalabas na singaw ang puwersa o lakas para sa isang piston o talim ng turbina. Ginagamit naman ang galaw ng piston o talim ng turbina upang makapagpaikot ng mga gulong o para paandarin ang iba pang mga makina o makinarya. Upang mapakuluan ang tubig sa loob ng pakuluan, maaaring gamitin ang ilang uri ng mga panggatong, na maaaring kahoy, uling, o langis.
Sa ngayon, halos lahat ng mga pinasisingawang makina ay mga turbinang walang mga piston ngunit umiikot na parang mulino na tinutulak ng mga pagsirit ng singaw. Mas mainam ito kaysa orihinal na mga uri ng mga makinang pinasisingawan na may piston. Ginagamit ito sa mga planta ng enerhiya upang mapagana ang mga henerador na lumilikha ng kuryente. May ilang mga barko, katulad ng mga barkong pandigma, na gumagamit ng mga turbinang pinasisingawan.
Mga sanggunian
↑American Heritage Dictionary of the English Language (ika-Ikaapat na Edisyon (na) edisyon). Houghton Mifflin Company. 2000.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.