Ang Makemake (sagisag: ;[1] English bigkas: /ˌmɑːkiːˈmɑːkiː/, o Rapanui: [ˈmakeˈmake](tulong·kabatiran)[2]), may pormal na itinalagang pangalang (136472) Makemake, ay ang pangatlong-pinakamalaking nalalamang planetang unano sa Sistemang Solar at isa sa dalawang pinakamalaking bagay sa sinturong Kuiper sa populasyon ng mga bagay na nasa Klasikal na sinturong Kuiper.[a] Nasa mga tatlong-ikaapat na bahagi ng diyametro ng Pluto.[3] Walang napag-aalamang mga satelayt ang Makemake, na kadahilanan ng pagiging natatangi nito sa mga pinakamalalaking mga bagay na nasa sinturong Kuiper. Nangangahulugan ang lubha nitong napakababang pangkaraniwang temperatura (mga 30 K) na natatakpan ng mga yelong metanyo, etanyo at maaaring ng nitrohena ang pangibabaw na kalatagan o balat nito.[4]