- Tungkol ito sa isang negosyante mula sa Virginia, Estados Unidos; para sa makata tingnan ang Margaret Walker.
Si Maggie Lena Walker (Hulyo 15, 1867-Disyembre 15, 1934) ay isang Amerikanong guro, negosyante, tagapangasiwa at pangulo ng bangko. Siya ang unang babaeng bumuo ng isang bangko sa Estados Unidos[1]. Bilang isang pinuno, nag-alay ng kaunlaran sa pamumuhay ng mga Aprikanong Amerikano at mga kababaihan ang kanyang mga tagumpay at pananaw. Naging paralisado at nakaupo lamang sa isang upuang may gulong sa kalaunan ng buhay, naging halimbawa rin siya ng mga taong may mga kapansanan. Ang muling isinaayos niyang bahay sa makasaysayang pamayanang Jackson Ward ng Richmond, Virginia ay isang Pambansang Makasaysayang Pook na pinapatakbo ng Palingkuran ng Pambansang Liwasan ng Estados Unidos.
Sanggunian
- ↑ Brinkley, Alan. "Chapter 15: Reconstruction and the New South". Sa Barrosse, Emily (pat.). American History, A Survey (sa wikang Ingles) (ika-12th (na) edisyon). Los Angeles, CA: McGraw Hill. p. 425. ISBN 978-0-07-325718-1.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.