Kabilang sa lutuing Italyano ang mga mga tradisyong malalim ang pagkakaugat na karaniwan sa buong bansa, pati na rin ang mga gastronomiyang panrehiyon, na magkaiba sa isa't isa, lalo na sa hilaga, gitna at timog ng Italya, na may patuloy-tuloy na pagpapalitan.[8][9][10] Kumalat ang maraming pagkain na dating panrehiyon lamang, at nagkaroon ang mga ito ng mga baryasyon sa buong bansa.[11][12] May kasaganaan ng lasa sa lutuing Italyano, at isa ito sa mga pinakasikat at pinakakinokopya sa buong mundo.[13] Naging impluwensiya ang lutuin sa mga iba pang lutuin sa mundo, lalo na sa lutuin ng Estados Unidos.[14]
Isa sa mga pangunahing katangian ng lutuing Italyano ang pagiging simple nito. Gawa sa kaunting sangkap lamang ang karamihan ng mga putahe, kaya madalas na umaasa ang mga Italyanong kusinero sa kalidad ng mga sangkap, sa halip na sa kasalimuotan ng paghahanda.[15][16] Lutuing Italyano ang pinagmulan ng entrega ng higit sa €200 bilyon sa buong mundo.[17] Sa paglipas ng mga siglo, malimit na inilikha ang mga pinakasikat na pagkain at resipi ng mga ordinaryong tao higit sa mga kusinero, kaya maraming mga resiping Italyano na bagay para sa pambahay at pang-araw-araw na pagluluto. Nirerespto rin ang mga partikularidad ng mga rehiyon, sa tanging paggamit ng mga likas na materyales at sangkap mula sa pinagmulang rehiyon ng putahe at pagpepreserba ng kapanahunan nito.[18][19][20]
Naging batayan ng lutuing Italyano ang diyetang Mediteraneo, na mayaman sa pasta, isda, prutas at gulay.[21] Mga sentro sa lutuing Italyano ang keso, salumi at alak, at kasama ng pizza at kape (lalo ng ang espresso) ang nagbubuo ng bahagi ng Italyanong kultura sa gastronomiya.[22] May isang mahabang tradisyon ang mga panghimagas sa paghahalo ng mga lokal na lasa katulad ng bungang sitrus, pistatso at almendras sa mga matatamis na keso katulad ng mascarpone at ricotta o mga kakaibang lasa katulad ng kakaw, baynilya, at kanela. Kabilang sa mga pinakasikat na Italyanong panghimagas, keyk at pastelerya ang gelato,[23]tiramisù[24] at cassata. Lubusang dumidepende ang lutuing Italyano sa mga produktong tradisyonal; marami ang tradisyonal na espesyalidad ng bansa na pinoprotektahan ng batas ng EU.[25] Ang Italya ay ang pinakamalaking prodyuser ng alak, pati na rin ang bansa na may pinakasari-saring baryante ng katutubong punong ubas sa buong mundo.[26][27]
↑"Italian Food" [Pagkaing Italyano]. Life in Italy (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Mayo 2017. Nakuha noong 15 Mayo 2017.
↑"The History of Italian Cuisine I" [Ang Kasaysayan ng Lutuing Italyano I]. Life in Italy (sa wikang Ingles). 30 Oktubre 2019. Nakuha noong 16 Abril 2020.
↑Related Articles (2 Enero 2009). "Italian cuisine" [Lutuing Italyano]. Britannica Online Encyclopedia (sa wikang Ingles). Britannica.com. Nakuha noong 24 Abril 2010.
↑Freeman, Nancy (2 Marso 2007). "American Food, Cuisine" [Amerikanong Pagkain, Lutuin] (sa wikang Ingles). Sallybernstein.com. Nakuha noong 24 Abril 2010.
↑Squires, Nick (23 Agosto 2013). "Tiramisu claimed by Treviso" [Tiramisung inangkin ni Treviso]. The Daily Telegraph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Agosto 2013. Nakuha noong 5 Setyembre 2013.