Ang lumba-lumba ng Ilog ng Ganges o Susu[2] (Platanista gangetica gangetica) ay isang kabahaging uri o sub-espesye ng lumba-lumbang pang-ilog o tubig-tabang na natatagpuan sa Bangladesh, Indiya, Nepal, at Pakistan. Pangunahing matatagpuan ang lumba-lumba ng Ilog ng Ganges sa mga kailugan ng Ganges at Brahmaputra at mga tributaryong katubigang nasa Indiya, Bangladesh, at Nepal. Mula mga 1970 hanggang 1998, itinuturing sila bilang isang magkahiwalay na mga uri; ngunit, noong 1998, binago ang kanilang klasipikasyon mula sa dalawalang magkahiwalay na mga uri patungo sa kabahaging uri ng isang nag-iisang mga uri.
Tingnan din
Sanggunian