Si Ludvík Svoboda (Nobyembre 25, 1895 sa Hroznatín [dating Hrovnedin], Moravia – Setyembre 20, 1979, sa Praga) ay isang was a Tsekoslobakong (o Czechoslovak) pinuno ng militar at politiko. Nakipaglaban siya noong Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa paglaon, naging pangulo siya ng Sosyalistang Republika ng Czechoslovakia. Pinahirapan ng mga Aleman ang kanyang labimpitong taong gulang na anak na lalaki hanggang sa mamatay. Naglingkod siya bilang ministro ng tanggulang pambansa subalit nabilanggo noong panahon ni Stalin. Pagkaraang makalaya, pagkatapos ng pagkamatay ni Stalin, pinamunuan niya ang akademyang militar ng Czechoslovakia. Nahalal siya bilang pangulo ng bansa noong 1968. Tumanggap siya ng mahigit sa 50 mga medalya, kabilang ang Amerikanong Lehiyon ng Merito. Isa siya sa mangilan-ngilang mga banyagang nabigyan ng pamagat o titulong "Bayani ng Unyong Sobyet".[1]