Love Live!

Ang Love Live! (ラブライブ!, Rabu Raibu!) School Idol Project ay isang Hapon na proyektong multimedia na gawa ng ASCII Media Works, Dengeki G's Magazine, Lantis at Sunrise.[1] Nagsimula ito noong Agosto 2010 sa Dengeki G's Magazine, at sumunod naman ang mga CD at isang manga.[2] Isang anime na gawa ng Sunrise at sa direksiyon ni Takahiko Kyōgoku ay ipinalabas sa Hapon mula Enero 6 hanggang 31 Marso 2013. Ang proyekto ay tungkol sa isang pangkat ng mga babaeng estudyante ng isang mataas na paaralan na naging mga idolo upang iligtas nila ang kanilang paaralan mula sa pagsara. Ang anime ay sabay na ipinalabas sa Amerika ng website na Crunchyroll.[3]

Mga sanggunian

  1. "Dengeki G's, Sunrise's Love Live Project Revealed" (sa wikang Ingles). Anime News Network. 29 Mayo 2010. Nakuha noong 2 Abril 2013.
  2. "ラブライブ!(1)" [Love Live! (1)] (sa wikang Hapones). ASCII Media Works. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Oktubre 2012. Nakuha noong 2 Abril 2013.
  3. "Crunchyroll to Stream Love Live! Idol Anime" (sa wikang Ingles). Anime News Network. 26 Disyembre 2012. Nakuha noong 2 Abril 2013.