Si Louis–Joseph Xavier François, unang Dauphin ng Pransiya mula sa trono ng Pransiya (22 Oktubre 1781—4 Hunyo 1789) ay ang ikalawang anak at panganay na lalaking supling ni Louis XVI ng Pransiya at Marie Antoinette ng Austria. Bilang unang tagapagmana ng trono ng Pransiya, tinawag siyang Dauphin. Siya rin ang Fils de France ng hari.
Pumanaw si Louis–Joseph sa gulang na pito dahil sa sakit na tuberkolosis sa kulungan sa Temple matapos ang matagumpay na Himagsikang Pranses. Dahil sa kanyang kamatayan, ipinasa ang titulong Dauphin sa mas nakababata niyang kapatid, Louis–Charles, ang Duke ng Normandy. Matapos hatulan ng kamatayan si Louis XVI sa pamamagitan ng guillotine, ipinasa naman ni Marie Antoinette ang trono kay Louis–Charles bilang Louis XVII.