Ang isang liyabe[1] o birador[1][2] (Ingles: wrench, spanner) ay isang kasangkapang ginagamit sa pagpihit ng mga tuwerka (nut) at barang panagka (talasok, pansabat, tarangka, o kabilya; bolt sa Ingles), o iba pang bagay na maiuugnay sa isang liyabe. Kabilang dito ang liyabe-tubo[2] (tinatawag ding liyabe-de-tubo[1] [liyabe ng tubo], liyabe-katala[2] o liyabe-ingglesa[1]; monkey wrench[1], pipe wrench[1], o adjustable wrench[1] sa Ingles). Nagkaroon ng patente ang unang tubo noong 1835, isang kagamitang ginawa ni Solymon Merrick.[3]