Ang Lindol sa Mindanao ay nangyari noong ika Nobyembre 2023 sa oras na 16:24 (4pm) ng hapon sa Pilipinas, Niyanig ng Magnitud 6.8 ika Nobyembre 17, 2023 ang lalawigan ng Sarangani sa Mindanao na nagiwan ng hindi bababa sa 7 hanggang 11 na katao ang nasawi at 730 na mga sugatan.
Lindol
Nakapagtala ang "PHIVOLCS" (PEIS) ng intensity VII na naitala sa bayan ng Glan, Sarangani at intensity VI sa Lungsod ng Heneral Santos, Polomolok at Koronadal, Mahigit 120 na mga aftershocks ang naitala, Ang mga pagyanig ay naramdaman rin sa katabing bansang Indonesia na may enerhiyang intensity V.
Pinsala
Mahigit 11 na katao ang iniwang patay sa paglindol at 730 ang mga sugatan, kabilang ang 450 na mga nag panik, Matinding pinuruhan ng lindol ang lungsod ng "Heneral Santos" na kung saan ang malapit na episentro ng lindol ay sa bayan ng "Glan" sa Sarangani at ilang mga pangalwang palapag ang pinadapa ng lindol sa bayan ng Malapatan, Sarangani, lubos na naapektuhan ang mga pamilihang shopping mall ang KCC Mall of Gensan, Gaisano at SM Gensan.
Imprastraktura
Mahigit 644 na mga kabahayan at 618 sa Soccsksargen at 26 pa sa Rehiyon ng Davao, 4,248 ang iba pang naapektuhan, kabilang ang 3,942 sa Soccksargen at sa Rehiyon ng Davao, Anim na mga kalsada ang lubos na nasira sanhi ng mga pagbitak ng lupa, Kawalan ng suplay ng kuryente sa 21 na mga lugar, ay kalaunan bumalik sa normal, lubos na napinsala ang mha bayan ng Sarangani, Glan, Malapatan, Alabel, lungsod ng Heneral Santos at Maasim na aaboy sa 21.9 milyon
Ang pagguho ng lupa ay isinara ang daanan sa pagitan ng mga bayan ng Glan at Malapatan habang ang iba pang naninirahan malapit sa baybayin ng Alabel, At isang gusali ang gumuho sa bayan ng Tampakan, Timog Cotabato.
Tingnan rin
Sanggunian