Ang Lindol sa Tsile noong 2010 ay isang malakas na lindol na naganap noong 27 Pebrero 2010[2][3]. Una itong naiulat sa 8.3 o 8.5 Mw subalit hindi naglao'y itinaas sa 8.8.[4]. Naramdaman ang lindol sa ibang lungsod ng Arhentina maging sa kabisera ng bansa na Santiago.[5]
Ang sentro nito ay sa may baybayin nang Maule, tinatayang 60 mi (97 kilometro) hilaga-hilagang kanluran ng Chillán, Tsile at 115 kilometro hilaga-hilagang silangan ng pangalawang pinakamalaking lungsod ng Tsile, ang Concepcion[6]. Naganap ang lindol mga 3:34 nang umaga sa lokal na oras, at naiulat na tumagal ng 10-30 segundo[7].
Ayon sa isang cameraman ng Associated Press Television News, gumuho ang ilang gusali sa Santiago, Tsile at nagkaroon ng kawalan ng kuryente sa ilang bahagi ng lungsod[8] Nagdulot ang lindol ng pagkawala ng kuryente sa halos buong Tsile kasama na ang kabisera nitong Santiago.[9]
Iniulat ni Pangulong Michelle Bachelet na hanggang sa ngayon anim na ang kumpirmadong patay[1]. Ayon naman sa pagtataya ng Pambansang Tanggapan ng Kagipitan ng Tsile Oficina Nacional de Emergencia ang kalakasan nang lindol ay nasa IX sa Eskalang sismolohikong Richter sa Rehiyon ng Biobío at VIII sa Santiago.[1][10].
Itinaas ang babala sa posibleng tsunami sa Tsile at Peru matapos ang pagyanig, na kalauna't pinalawig hanggang Ekuador, Kolombia, Antarktiko, Panama at Kosta Rika[1]. Nagkaroon ng tsunami sa Valaparaiso sa taas na 1.29 metro[1][11]. Nagkaroon ng aftershock na 6.2 mga 20 minuto matapos ang unang paglindol.[1][12] Dalawa pang mga aftershock na may kalakhang 5.4 at 5.6 ang sumunod.[12]
Tingnan pa
Mga sanggunian