Leeg

Leeg ng isang lalaki.
Leeg ng isang babae.

Ang leeg o liig[1] (Ingles: neck) ay ang bahagi ng katawan ng tao o hayop na nagdurugtong sa ulo at punungkatawan (Ingles: torso o trunk). Ilan sa mga bahaging nasa harap ng leeg ang lalagukan at lalamunan. Matatagpuan naman sa likod nito ang batok.

Mga kaugnay na salita

Tumutukoy ang makabaling-leeg o makabaling-liig sa mga gawain o bagay na nakasasanhi ng pinsala sa leeg. Isang pandiwa naman ang liigan na nagpapahiwatig na may mahaba o malaking leeg ang isang tao o hayop. Isa ring gawain ang liigan na ang ibig sabihin ay paglalagay ng leeg sa isang iginuhit na larawan. Ginagamit ang huli sa larangan ng pagguhit at paglililok.[1]

Sa larangan ng pananamit at pananahi, mayroon ding bahagi ang baro na tinatawag na leeg ng damit o leeg ng baro, malapit sa kuwelyo ng damit. Ito ang bahaging kinaroroonan ng leeg ng nagsusuot ng damit.[1] May leeg din ang iba pang mga bagay, halimbawa na ang mga gitara.

Sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 English, Leo James (1977). "Leeg, liig". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.

Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.