Lee Ji-ah

Lee Ji Ah
Kapanganakan6 Agosto 1978
  • (Seoul Capital Area, Timog Korea)
MamamayanTimog Korea
Trabahoartista, artista sa pelikula
AsawaSeo Taiji (1997–2006)
Pirma

Si Kim Sang-eun (ipinanganak Pebrero 2, 1978),[1] propesyunal na kilala bilang Lee Ji-ah, ay isang artista mula sa Timog Korea. Pagkatapos maging tanyag sa pagganap sa The Legend noong 2007, lumabas siya sa mga seryeng pantelebisyon na Beethoven Virus (2008), Athena: Goddess of War (2010), Me Too, Flower! (2011), at Thrice Married Woman (2013).

Talambuhay

Ipinanganak si Lee bilang Kim Sang-eun sa Seoul, Timog Korea. Isang tagapagturo ang kanyang lolo na si Kim Soon-heung na isa sa mga tagataguyod ng paglikha ng Mataas na Paaralan ng Sining sa Seoul, at naging tagapangulo ng Mataas na Paaralan ng Kyunggi.[2] Isang negosyante ang kanyang ama. Nang si Lee ay nasa ikaanim na baitang sa paaralan, pumunta ang kanyang mag-anak sa Estados Unidos at lumagi doon ng sampung taon.

Nag-major siya ng grapikong disenyo sa Pasadena Art Center College of Design.[3]

Mga sanggunian

  1. "Lee Ji-ah (이지아, Korean actress) @ HanCinema". HanCinema (sa wikang Ingles). Nakuha noong Agosto 30, 2018.
  2. Sunwoo, Carla (20 Disyembre 2011). "E Jiah granddaughter of wealthy man". Korea JoongAng Daily. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Hunyo 2013. Nakuha noong 2013-05-18. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)
  3. "Profile". Ejiah.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-07-09. Nakuha noong 2013-05-18. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.