Si Lee Chung-ah (ipinanganak Oktubre 29, 1984) ay isang artista mula sa Timog Korea. Kilala siya bilang pangunahing bida sa mga pelikulang Temptation of Wolves (2004) at My Tutor Friend 2 (2007), gayon din sa Koreanovelang pang-cable na Flower Boy Ramen Shop (2011). Nakontrata siya sa ahensiyang C-Jes Entertainment[4]
Karera
Nagsimula ang karera sa pag-arte ni Lee Chung-ah noong lumabas siya sa mga suportang pagganap sa mga pelikulang Resurrection of the Little Match Girl (2002) at Happy Ero Christmas (2003). Noong 2004, naging pangunahing tauhan siya sa Temptation of Wolves (2004), isang pelikulang adaptasyon ng nobela sa internet ni Guiyeoni.[5] Gumanap si Lee bilang probinsyana na lumipat sa lungsod at napansin ng dalawang pinakapopular na mga lalaki sa bayan, na ginampanan nina Jo Han-sun at Kang Dong-won. Dahil sa pelikulang ito, biglaang sumikat ang dalawang aktor ngunit hindi si Lee.[6]
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.