Ang Las Vegas ay ang pinakamalaking lungsod sa Nevada, Estados Unidos, ang pinakamalaking lungsod na naitatag sa ika-20 dantaon, at isang pangunahing destinasyong pambakasyon, pang-shopping, at pansugal. Nagkaroon ito ng mabilisang paglago mula noong dekada-1960, at ayon sa senso ng 2010, may populasyon itong 583,756 katao,[1] mas-mataas sa populasyon nito na 478,434 noong 2000.[2] Sa tantiya ng Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos (U.S. Census Bureau) noong 2013, ang populasyon ng lungsod ay 603,488.[3]