Ang Lappeenranta University of Technology (LUT, lit. "Unibersidad Teknolohika ng Lappeenranta") ay itinatag noong 1969 sa Lappeenranta, Finland. Ang kampus ng unibersidad ay matatagpuan sa baybayin ng lawa ng Saimaa – ang ika-4 na pinakamalaking lawa sa Europa.
Mayroong 890 kawani at 4,900 mag-aaral ang unibersidad. Naggagawad ang unibersidad ng mga sumusunod na grado: Bachelor of Science (Econ), Bachelor of Science (Tech), Master of Science (Tech), Master of Science (Econ), Licentiate of Science (Econ), Licentiate of Science (Tech), Doctor of Science (Tech), Doctor of Science (Econ), at Doctor of Philosophy.