Ang Lalawigan ng Şanlıurfa (Turko: Şanlıurfa ili) o simpleng tinatawag na Lalawigan ng Urfa ay isang lalawigan sa Turkiya. Ang kabisera ng lalawigan ay ang lungsod ng Şanlıurfa at may populasyon ito ng 1,845,667 (2014).
Kilala ang lalawigan sa mga lugar Abrahamiko tulad ng Balıklıgöl, kung saan ang Propetang si Abraham ay pinapatopon ni Nimrod sa apoy na pinapapaniwalaan na naging tubig, at ang moske ng Mevlid-i Halil kung saan ipinanganak si Abraham sa yungib katabi ng moske. Ang isa pa na nasa distrito, sa mga 12 km (7 mi) hilagang-silangan ng lungsod ng Şanlıurfa, ay ang lugar bago ang kasaysayan na Göbekli Tepe, kung saan may patuloy na paghuhukay at natuklasan ang 12,000-taon-gulang na mga santuwaryo na pinetsahan mula sa panahong Neolitiko, na tinuturing na pinakamatandang mga templo sa buong sanlibutan, na mas matanda pa sa Stonehenge ng 6,000 taon.
May iba't ibang uri ng populasyon ang lalawigan na binubuo ng mga Kurdo, Arabo, Turko at Yazidi. Tinatayang nasa 47% ng populasyon ang mga Kurdo.[2]
Mga distrito
Nahahati ang lalawigan ng Şanlıurfa sa 13 distrito (nasa makapal ang distritong kabisera):
- Urfa (Kalagitnaang distrito. Noong 2014, nahati ito sa tatlong distrito: Eyyübiye, Haliliye at Karaköprü)
- Akçakale
- Birecik
- Bozova
- Ceylanpınar
- Halfeti
- Harran
- Hilvan
- Siverek
- Suruç
- Viranşehir
Mga sanggunian
- ↑ Turkish Statistical Institute, dokumentong spreadsheet' – Population of province/district centers and towns/villages and population growth rate by provinces (sa Ingles at Turko)
- ↑ Watts, Nicole F. (2010). Activists in Office: Kurdish Politics and Protest in Turkey (Studies in Modernity and National Identity) (sa wikang Ingles). Seattle: University of Washington Press. p. 167. ISBN 978-0-295-99050-7.