Ang Lalawigan ng Vibo Valentia (Italyano: provincia di Vibo Valentia; Vibonese: pruvincia i Vibbu Valenzia) ay isang lalawigan sa rehiyon ng Calabria ng timog Italya, na itinatag ng isang pambansang batas noong Marso 6, 1992 na nagkabisa noong Enero 1, 1996, at dating bahagi ng Lalawigan ng Catanzaro.[2][3] Ang kabesera nito ay ang lungsod ng Vibo Valentia at ang kodigo ng plaka ng sasakyan nito ay VV.[4] Ang lalawigan ay may lawak na 1,139 square kilometre (440 mi kuw) (7.6% ng kabuuang ibabaw ng Calabria), at kabuuang populasyon na 168,894 (ISTAT 2005);[5] ang lungsod ng Vibo Valentia ay may populasyon na 35,405.[6] Mayroong 50 comune (komuna o munisipalidad) sa lalawigan,[7] tingnan ang talaan ng mga comune ng Lalawigan ng Vibo Valentia.
Noong Hunyo 2010 isang natutulog na bulkan ang natuklasan sa baybayin ng lalawigan sa linya ng fault na humantong sa 1905 na lindol sa Calabria.[8] Ito ay isang bulubunduking lalawigan at matatagpuan sa Dagat Tireno.[9]
↑"Vibo Valentia". Italia.it. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Septiyembre 2015. Nakuha noong 4 August 2015. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)