Ang Lalawigan ng Salerno (Italyano: Provincia di Salerno) ay isang lalawigan sa rehiyon ng Campania ng Italya.
Heograpiya
Ang pinakamalaking bayan sa lalawigan ay ang: Salerno, ang kabesera, na may populasyon na 131,950; Cava de' Tirreni, Battipaglia, at Nocera Inferiore, lahat ay may humigit-kumulang 50,000 na naninirahan. Ang lalawigan ay may lawak na 4,923 square kilometre (1,901 mi kuw), at kabuuang populasyon na humigit-kumulang 1.1 milyon. Mayroong 158 mga comune, ang isa na may pinakamalaking lugar ay ang Eboli.
Turismo
Ang Baybaying Amalfitana — isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO mula noong 1997 — ay matatagpuan sa loob ng lalawigan, na umaakit ng libo-libong turista mula sa buong mundo bawat taon. Binubuo din ng lalawigan ang baybayin ng Cilento, na ang kaledad ng dagat ay itinuturing na isa sa pinakamahusay sa Italya.[1]
Dating kilalang sentro ng Magna Graecia, ang Paestum ay nagtataglay ng malawak na complex ng mga nakapreserbang mga sinaunang templong Griyego.[kailangan ng sanggunian]
Mga sanggunian
Mga panlabas na link