Ang Lalawigan ng Phichit (พิจิตร) ay isang lalawigan (changwat) sa Thailand. Nangangahulugang magandang lungsod ang pangalan nito.
Sagisag
Ang panlalawigang sagisag ay nagpapakita ng isang batis, na tumutukoy sa lumang pangalan ng Pichit na "Muerang Sra Luang o lungsod ng kataastaasang batis. Ang puno ng banyan na nasa harap ay tumutukoy sa templo ng Wat Pho Prathab Chang. Ang templo ay itinayo noong 1669 hanggang 1671 ni Haring Luang Sorasak, na ipinanganak sa nayon ng Pho Prathab Chang.
Ang panlalawigang puno ay IronwoodMesua ferrea, at ang panlalawigang bulalaklak ay ang Lotus (Nymphaea lotus)
Pagkakahating Administratibo
Ang lalawigan ay nahahati sa 9 na distrito (Amphoe) at 3 mas maliit na distrito (King Amphoe). Ang mga ito ay nahahati pa sa 89 na communes (tambon) at 852 na barangay (muban).