Ang Lalawigan ng La Spezia (Italyano: Provincia della Spezia, Ligur: Provinsa dea Spèza) ay isang lalawigan sa rehiyon ng Liguria sa Italya . Ang kabesera nito ay ang lungsod ng La Spezia.
Ito ay may lawak na 881 square kilometre (340 mi kuw) at, Magmula noong 2017[update], isang kabuuang populasyon na 220,225 na naninirahan. Mayroong 32 mga comune sa lalawigan (sanggunian: Italian institute of statistics Istat)[1]
Sa lalawigan ng La Spezia ay ang Cinque Terre, Portovenere, at ang mga Isla (Palmaria, Tino at Tinetto), isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.[2] Higit pa sa lugar na ito ang mga nayon ng Brugnato, Montemarcello, Tellaro, at Varese Ligure, na kasama sa listahan ng mga pinakamagandang nayon sa Italya.[3] Bilang karagdagan, ang Lalawigan ng La Spezia ay isa sa mga institusyong ginawaran ng Gold Medal for Military Valor para sa mga sakripisyo ng mga mamamayan nito at mga aktibidad nito sa partidistang pakikibaka noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.