Ang Lagash[4]IPA: /ˈleɪɡæʃ/ ay isang sinaunang siyudad na matatagpuan sa timog kanluran ng pagsasama ng Euphrates at Tigris at silangan ng Uruk mga 22 kilometro (14 mi) silangan ng modernong bayan ng Ash Shatrah. Ang Lagash ang isa sa pinakamatandang mga siyudad ng Sinaunang Malapit na Silangan. Ang sinaunang siyudad ng Surghul/Nina ay may layong mga 6 milya (9.7 km). Ang kalapit na Girsu, mga 25 km (16 mi) hilagang kanluran ng Al-Hiba ang sentrong panrelihiyon ng estadong Lagash. Ang templo ng Lagash ang E-Ninnu na inalay sa diyos na si Ningirsu.