Ang LAN (mula sa Ingles: local area network) ay isang klaseng network ng kompyuter na sumasakop ng di-kalakihang lugar tulad ng isang bahay, opisina, o isang grupo ng mga gusali tulad ng isang kolehiyo.
Sa pamamagitang ng ethernet ang mga kompyuter ay nakakonekta sa pamamagitan ng mga wires sa isang hub o switch. Ito ang bumubuo ng tinatawag na physical layer ng isang network ng kompyuter. Bagamat karaniwang gumagamit ng ethernet cards upang i-network ang mga kompyuter, magagamit din ang serial o parallel port ng mga kompyuter upang magpalitan ng impormasyon.
Kapag ipinag-interconnect ang mas marami sa isang LAN, ang mabubuo ay tinatawag na Wide Area Network (WAN). Ang router ay ginagamit upang ipagkonekta ang dalawa o mas maraming LANs.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.