Kwame James Brown (ipinanganak noong ika-10 ng Marso, 1982, sa Charlston, South Carolina), ay isang Amerikanong propesyonal na basketbolista sa NBA na naglalaro sa posisyong power forward at center na huling naglaro para sa Washington Wizards. Siya ang first overall pick noong 2001 NBA Draft ng Washington Wizards, at ang kauna-unahang #1 draft pick mula sa high school.
High school
Marami ang nagsasabi na si Brown ang pinakamagaling na manlalaro sa kanyang batch, na kinabibilangan din ng mga basketbolistang katulan ni Eddy Curry at Tyson Chandler. Siya ang napiling High School player of the Year sa kanyang huling taon sa Georgia. Tinapos niya ang kanyang karera sa sekondarya sa Glunn Academy (na matatagpuan sa Brunswick, Georgia) bilang all-time leading rebounder (1,235) at shot-blockers (605), at kinilala bilang second all-time scorer sa nasabing eskwelahan. Siya rin ay napabilang sa 2001 McDonald's All-American team.
NBA career
Washington Wizards
Noong una, si Brown ay pumirma na ng letter of intent para sa University of Florida, subalit sa kalaunan ay nagdeklara siya para sa 2001 NBA Draft. Ang Washington Wizards, sa ilalim ng presidente ng kuponan na si Michael Jordan, ay nagdesisyon na gamitin ang kanilang first overall pick ipang makuha si Brown, na naging dahilan upang siya ang maging kauna-unahang first overall pick na makuha direkta mula sa high school. Inasahan ng marami na magpapakita ng maganda sa laro si Brown dahil pinili siya mismo ni Michael Jordan, na sa opinion ng madami ay ang pinakamagaling na manlalaro sa kasaysayan ng basketball. Matapos ang pre-draft work para sa Wizards, napabalita na sinabihan ni Brown si Jordan[1] o ang ang coach noon na si Doug Collins na ""if you draft me, you'll never regret it."[2]
Marahil dahil sa mataas na expectations at hype ukol sa kanya, ang unang taon ni Brown ay namarkahan ng kakulangan sa maturity at batikos mula sa media at maging kay Jordan. Sa kanyang unang taon, ang kanyang average ay pumatak lamang sa 4.5 puntos at 3.5 rebounds kada laro, at marami ang nagdududa sa pagkakakuha niya bilang #1 draft pick.
Bagaman ganito ang nangyari, malaki pa din ang paniniwala ng Wizards sa potential ni Brown. Sa kanyang ikalawang taon bilang isang propesyonal, Mas tumagal ang kanyang oras ng paglalaro. Kasama siya sa pangunahing manlalaro sa 20 sa kanilang 80 laro sa nasabing season at nadoble ang kanyang minutes. Tumaas din ang average ni Brown, na umangat sa 7.4 puntos at 533 rebounds kada laro. Sa kanyang ikatlong season, nagpatuloy ang paggaling ni Brown, at nagtala siya ng career highs sa puntos (10.9) at rebounds (7.4) kada laro. Nagpakita din siya ng napakagandang laro laban sa Sacramento Kings, kung saan gumawa siya ng 30 puntos at 19 na rebounds.
Controbersiya
Matapos ang kanyang unang tatlong taon sa Washington, naging malabo ang kinabukasan ni Brown kasama ng Wizards. Ito ay dahil sa pagtanggi niya sa kontrata para sa limang taon na nagkakahalaga ng $30 million dollars upang subukang sumabak sa free-agent market nang matapos ang kanyang kontrata. Sa kanyang ika-apat na season, kapansin-pansin ang pag bagal ng kanyang paggaling nalimitahan lang sa 42 games ang kanyang nasalihan dahil sa injuries. Ang pinakamataas na ginawa niyang puntos sa nasabing season ay 19 na puntos, na malai ang ibinaba sa kanyang 30 puntos noong nagdaang season, at ang kanyang season average ay 7.0 puntos lamang kada laro. Patuloy na dumami ang kritiko ni Brown, at nagkaroon sila ng alitan ng kakampi na si Gilbert Arenas, at maging sa coach na si Eddie Jordan. Lalo siyang naging mainit sa lokal na media na hindi nakatulong sa estado niya sa mga tagahanga.
SA unang round ng 2005 playoffs, kung saan nakalaban ng Wizards ang Chicago Bulls, nagpalabas ang Wizards ng video bago magsimula ang unang laro ng series, kung saan sinabihan ni Arenas ang mga tagahanga ng kuponan na huwag i-boo si Brown sa pagpasok nito sa laro. Sumunod naman ang mga tagasuporta ng kuponan, bagama't apat na minuot lamang ang nilaro ni Brown. Ilang araw matapos ang nasabing laro, hindi pumunta sa practice si Brown, maging sa sumunod na laro. Aniya, masusuntok lamang niya si Arenas kung pumunta siya sa laro. Hindi rin niya pinuntahan ang isang pang practice dahil umano sa masakit na sikmura, subalit nakita siya kinagabihan na kumakain sa isang Chinese eatery. Dahil dito, nasuspinde si Brown sa nalalabi nilang laro noong playoffs.
Los Angeles Lakers
Noong ika-2 ng Agosto, 2005, na-trade si Brown, kasama si Laron Profit papuntang Lakers pare kay Caron Butler at Chucky Atkins. Ang desisyong ito ay sinalubong ng batikos mula sa ibang tagahanga ng Lakers, na diskumpyado kay Brown dahil sa kanyang reputasyon bilang isang "under achiever." Noong simula ng nasabing season, siya may average na 6 na puntos at 6 na rebound lamang kada laro.
Noong ika-26 ng Disyembre, 2005, naglaro siya sa kauna-unahang pagkakataon bilang katunggali ng Wizards sa MCI Center (na ngayon ay kilala na bilang Verizon Center) bilang isang Laker. Sold-out ang laro at malakas ang pag-boo ng 20,173 fans na tuwing mahahawakan ni Brown ang bola. Sa ikalawang quarter ng nasabing laro, nagbunyi ang mga tagahanga ng Wizards ng tamaan sa ulo ng bola si Brown ng pasahan siya ng bola ni Sasha Vujacic at nasa iba ang atentensyon nya na naging dahilan upang ma-out of bounds ang bola.[3] Ayon kay Brown, ang pagtanggap sa kanya ng Washington ay "weak" at "they should be cheering that I'm gone."[3] Nanalo ang Wizards, 94-91.
Si Butler ay naging All-Star sa Washington habang si Kwame Brown naman ay hindi gaanong umaasenso sa Los Angeles, at marami ang nagsasabi na nakalamang ang Washington sa trade. Ayon sa reporter ng Washington Post na si Ivan Carter , naulinagan niya ang isa pang mamahayag habang kinakapanayam nito si Coach Jackson at tinatanong kung ang "trade was one that worked out for both teams?" Ayon sa kanya ay hindi maipinta at "priceless ang naging ekspresyon ng mukha ni Jackson.[4]
Playing center
Nang ma-injure ang ankle ng sentro ng Lakers na si Chris Mihm noong ika-12 ng Marso, 2006, na naging dahilan upang hindi na ito makapasama sa nalalabing laro ng season, si Brown ang naatasan upang maging pangunahing sentro ng kuponan. Sa kanyang pagalalro bilang isang sentro, umangat ang average niya mula 6.1 puntos at 6.3 rebounds kada laro at tumaas ito ng 12.3 puntos at 9.1 rebounds simula ng gamitin siya bilang sentro noong playoffs. Dahil sa maganda niyang ipinakita habang naglalaro bilang sentro, ipinangako sa kanya ni coach Jackson ang starting centre role para sa 2006-07 season. Na-injure si Brown simula ng sumod na season at role bilang starting center ay napunta sa kamay ng batang manlalaro na si Andrew Bynum. Muli niyang ginampanan ang pagiging pangunahing sentro noong Disyembre.
Personal
Rape accusation
Si Brown ay sumailalim sa imbestigasyon ng Los Angeles Police Department ukol sa umano'y pagkakadawit niya sa isang kaso ng panggagahasa. Isang babae ang nagsasabi na sinubukan siyang gahasain ni Brown matapos ang Game 3 sa unang round ng Western Conference Playoffs laban sa Phoenix Suns.[5] Napawalang-sala siya sa lahat ng kaso ng Los Angeles DIstrict Attorney's office noong ika-11 ng Hulyo, 2006.[6]
Cake incident
Ayon sa isang police report[7], Sabado ng gabi, noong ika-13 ng Enero, 2007, inakusahan ng isang lalaki si Kwame Brown ng pambabato ng cake. Ayon sa lalaki, may dala siyang 2 x 2 talampakang chocolate cake sa Hermosa Beach, California, nang makita niya ang kakampi ni Brown na si Ronny Turiaf, na pumayag na magpakuha ng litrato kasama siya. Ipinapagdiwang noon ni Turiaf ang kanyang kaarawan kasama ang Lakers ng dumating si Brown. Kinuha ni Brown ang cake at ihinagis ito sa lalaki. Walang binaggit na dahilan ang lalaki kung bakit ibinato sa kanya ang cake.[7] May ilan na nagsasabing kay Turiaf dapat ibabato ang cake bilang biro sa kaarawan nito, sa paniniwala ni Brown na si Turiaf ang may-ari ng cake ngunit hindi ito tinamaan.[8] Hindi naman kinasuhan si Brown at sa kalaunan ay bumawi na lamang si Brown sa lalaki ng ilibre niya ito ng dinner sa Arena Club sa Staples Center.[8]
Notes
- ↑ "(requires log-in)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-07-03. Nakuha noong 2007-08-30.
- ↑ Wizards love top pick's skills - Retrieved 1 Jul 2006
- ↑ 3.0 3.1 Ex-Wizard Brown Calls Reception 'Weak'
- ↑ The Washington Wizards - Ivan Carter and Michael Lee online transcript, April 25, 2007
- ↑ Kwame Brown Under Investigation for Sexual Assault Naka-arkibo 2006-10-06 sa Wayback Machine. - May 2, 2006
- ↑ Prosecutors reject assault claim against Lakers' Brown
- ↑ 7.0 7.1 Man frosted after Laker allegedly takes his birthday cake - retrieved Jan. 17, 2007
- ↑ 8.0 8.1 Major help appears to be on way, by Mike Bresnahan, January 23, 2007; retrieved April 18, 2007,
External links
Padron:NBA NumberOne Draft Picks
Padron:2001 NBA Draft