Kolehiyong Dartmouth

Baker Memorial Library sa Kolehiyo ng Dartmouth
Tanawin ng Sherman Fairchild Physical Science Center at Wheeler Hall mula sa tore ng Baker Memorial Library
Memorial Field

Ang Kolehiyong Dartmouth (Ingles: Dartmouth College,  /ˈdɑrtməθ/ DART-məth) ay isang pribadong Ivy League na pamantasan para sa pananaliksik na matatagpuan sa Hanover, New Hampshire, Estados Unidos. Itinatag noong 1769 ni Eleazar Wheelock, ang Dartmouth ay isa sa siyam na mga kolonyal na kolehiyo chartered bago ang Rebolusyong Amerikano.

Sumusunod sa isang liberal arts curriculum, ang unibersidad ay nagbibigay instruksyon sa antas undergraduate sa 40 akademikong kagawaran at interdisiplinaryong programa kabilang ang 57 majors sa humanidades, mga agham panlipunan, natural na agham, at inhinyeriya, at nagbibigay-daan sa mga mag-aaral upang mag-disenyo ng mga pinasadyang mga meyjor at maynor o kumuha ng programang dual degree. Ang Dartmouth ay binubuo ng limang mga paaralan: ang orihinal na undergraduate college, ang Geisel School of Medicine, ang Thayer School of Engineering, ang Tuck School of Busines, at ang School of Graduate and Advanced Studies. Bilang merong pagpapatalang 4,307 undergraduate na estudyante at kabuuang pagpapatalang 6,350, ang Dartmouth ang pinakamaliit na unibersidad sa Ivy League.

Ang Dartmouth ay nakapagprodyus ng maraming kilalang alumni, kabilang ang 62 Rhodes Scholars, 13 Pulitzer Prize winners, 3 Nobel Prize laureates, at isang Bise-Presidente ng Estados Unidos.

43°42′12″N 72°17′18″W / 43.7033°N 72.2883°W / 43.7033; -72.2883 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.