Ang Katipunan ng mga Karapatan (Ingles: Bill of Rights) ay ang kalipunan, talaan, o buod ng mga karapatang naaayon sa batas. Maaari itong isang pahayag ng mga karapatan ng isang klase o uri ng mga tao. Isang halimbawa nito ay ang unang sampung susog (pagbabago) sa Konstitusyon ng Estados Unidos, na ipinagtibay noong 1791 at naggagarantiya (sumasagot o nangangako) ng ganyang mga karapatan katulad ng mga kalayaan sa pagsasalita, pagpupulong, Baril, Piyansa, at pagsamba. Isa pang halimbawa ay ang kasunduang pangkonstitusyon ng Inglatera noong 1689, na kumumpirma o tumiyak sa deposisyon (pagkatanggal sa tungkulin) ni Haring James II ng Inglatera at ang aksesyon (pagtatalaga sa tungkulin o trono) nina William at Mary ng Inglatera, na gumarantiya sa paghahalilihang Protestante, at ang paglalatag o pagtatalaga ng mga prinsipyo ng supremasya o pangingibabaw na parlamentaryo.