Ang Katedral ng Sarzana (Italyano: Concattedrale di Santa Maria Assunta di Sarzana) sa Sarzana, Liguria, Italya, ay isang konkatedral ng Diyosesis ng La Spezia-Sarzana-Brugnato. Ito ay alay sa Pag-aakyat sa Langit kay Maria. Ang gusali ay isang halo ng mga estilong Romaniko at Gotiko, na sumasalamin sa haba ng panahon ng pagbuo nito, mula sa unang bahagi ng ika-13 hanggang sa huling bahagi ng ika-15 siglo.
Ang katedral ay kilala bilang tahanan ng isang relikya ni San Andres[1] at ng Dugo ni Kristo. Mayroon ding mahalagang Romanikong Krus ni Maestro Guglielmo mula 1138.
Mga tala
Mga pinagkuhanan