Ang Katedral ng Acerra (Italyano: Duomo di Acerra; Cattedrale di Santa Maria Assunta) ay isang Katoliko Romanong simbahan sa bayan ng Acerra sa Campania, timog Italya, na alay sa Pag-aakyat ng Birheng Maria.
Mula noong ika-11 siglo ito ang luklukan ng Obispo ng Acerra.
Kasaysayan at pagsasalarawan
Ang kasalukuyang Neoklasikong katedral ay nakatayo sa pook ng isang sinaunang Romanong templo kay Herkules. Ito ay itinayong muli nang maraming beses at ang kasalukuyang gusali ay nasa ika-19 na siglo. Mayroon itong Latin na krus na plano ng palapag, na may isang nave at dalawang pasilyo sa gilid na pinaghihiwalay ng mga pilar, at isang simboryo. Ang kanlurang harapan ay Neoklasiko, na may walong malalaking Honikong haligi na nakatayo sa isang sahig na mala-ahedres ng mga palitang bato ng basalto at marmol.
Mga panlabas na link