Ang Katedral Basilika ng Santa Ana[1] (Kastila: Catedral Basílica Menor de Santa Ana de Coro) ay isang katedral at basilika na matatagpuan sa Coro,[2][3]Venezuela.[4]
Nilikha ni Papa Clemente VII ang Diyosesis ng Coro noong 1531. Ang pagtatayo ng katedral ay nagsimula noong 1583; hindi matukoy kung sino ang nagdisenyo ng plano na may nabe at 2 pasilyo (3 nabe sa terminolohiyang Espanyol).