Ang katamaran o pagkabatugan ay ang pag-iwas sa gawain, hanapbuhay o trabaho. Katumbas ito ng indolensya o kagigian, na mayroon ding kabagalan, kakuyaran, at kakuparan.[1] Kabaligtaran ito ng kasipagan.
Ang terminong Arabiko sa Koran para sa katamaran, kawalang gawain at kabagalan ay Arabe: كَسَل, romanisado: kasal.[2] Ang kabaligtaran ng katamaran ang Jihad al-Nafs, i.e. ang pakikibaka laban sa sarili at sa sariling ego ng isa. Kabilang sa mga limang haligi ng Islam na pananalangin ng limang beses sa isang araw at pag-aayuno sa Ramaḍān ay bahagi ng mga aksiyon laban sa katamaran.
Sa Budismo, ang terminong kausīdya ay karaniwang isinasalin na katamaran. Ang Kausīdya ay inilalarawan bilang pagkapit sa mga hindi malusog na gawain gaya ng paghiga at pag-uunat at pagiging hindi masigasig tungkol sa o nagsasagawa ng mga mabuting gawain.